Sobra  

Posted by: Gelai

May kasabihan nga, "Ang lahat ng sobra ay masama"

Sa pagkain: sobra ang kain - mataba; sobra sa tamis - diabetes; sobra sa alat - sakit sa bato; sobra sa walang makain - malnourished;

Sa Buhay - sobra sa pahinga - batugan; sobra sa work- sakit; sobra ang bungangera - napapaaway; sobra ang taas ng dugo- high blood; sobrang baba ng dugo - leukemia; sobrang lungkot- depression; sobrang saya- mapagkakamalan kang siraulo hehehe; sobrang yaman - matapobre; sobrang hirap - magnanakaw; sobrang in-love pag nawala - ang sakit!

Sa bisyo - sobrang sigarilyo - TB; sobrang lasing - di na makauwi sa bahay, di makapasok sa work (related story Nagbago na) di ba Tanjo? hehehe; sobra sa pagkababaero - AIDS; sobra sa sugal - lugi negosyo

Sobrang ganda - narere rape (katakot!); sobrang panget - walang jowa; sobrang gwapo - mayabang; sabi ng kaibigan kong bading sobrang gwapo na callboy - mahal! hahaha

Dapat lahat ng bagay dito sa mundo in moderation, pati nga sa commercial ng alak sinasabi yun pero sometimes you can't help it:

Sobra ako natuwa sa istorya ng LOBO kase talagang pinag isipan...good job! talagang umuuwi ako ng maaga galing office para makapanuood lang hehehe... sobra naman akong naiinis sa Dyesebel low cost budget! ('di kaya ako i ban ng channel 7?)

Sobra akong nainis kay Ruffa Mae Quinto sa away nila ni Jessa Zaragosa, regarding sa tell-all nya na interview...pinagsisiksikan nya na buhay nya daw yung kinuwento nya kaya walang karapatan si Jessa na mag react... so parang sinasabi nya na kahit kasinungalingan ang mga sinabi nya walang karapatan niya yun eh pano naman ung karapatan ng taong involved dun? Saka halata mo naman kung sino ang nagsisinungaling eh... Yung sa sobrang asar ko sa kanya gusto ko dukutin siya sa TV at sabihing "tumigil ka na.... walang kwenta yung pinagsasabi mo nagmumuka ka lang tanga!" eto yung video "Showbiz Central" (apektado talaga ako??? feeling ko ako si Dingdong! bwahahaha) hayyyyz showbizzz!

Sobra nagandahan ako sa movie na At First Sight ni Val Kilmer at Mira Sorvino medyo matagal na ito pero di ko talaga makalimutan sa sobrang ganda at nakakainlove! At ang movie na Truman Show ni Jim Carey at I am Sam ni Sean Penn dahil sa movie na ito nabago ko ang aking pananaw sa buhay. At sa local movie natin ang Magnifico, sobra ang luha kong nailabas dun... with matching pamunas pa ako...kakaloka... sobra akong affected!

Sobra baliw ako noon sa F4, yung mga bida sa Meteor Garden, Kaloka! lahat ng magazine na meron mukha nila binibili ko, pamaypay kahit na mahal binibili , lahat ng concerts nila dito sa Pilipinas pinuntahan namin kesehodang ma stampede kami sa ULTRA sa dami ng tao, hayyyyzzz! at sobra laki ng gastos ko nun!

Sobra nakakarelate ako sa kanta I'd Rather by Luther Vandross at It's wrong for me to Love You by Pia Zadora nung mga panahong sobrang martir pa ako ...hahahaha

Sobra ako nalilito sa aming debate last week regarding between Destiny and Choice...sinulat ko na lang tuloy ang aking saloobin ... (related article Destiny)

Sobra akong nalungkot sa namatay namin kapitbahay si Kuya Lito, ang baet nya kase sa akin, inatake kase sya sa puso...

Sobra akong prangka, minsan dumarating sa point na baka me nasasaktan na ako...sinasabi ko lang naman kung anong gusto ko sabihin sa isang tao, ikaw na lang bahala kung paano mo itake in a negative or positive way?

Sobra akong masaya pag me nakakaappreciate ng blog ko... thank you at sobra ako napressure kung anong next kung isusulat kelangan gawin kong bonggang-bongga ang aking next entry.....

Sobra lamig dito sa office kaya wala na ako maisip , nag freeze na utak ko! hahaha isip pa ako kung anong pa SOBRA!

Basta Drink Moderately! Cigarette is bad for your health! Keep off the Grass! Walang Tatawid Nakakamatay! No Vendors Allowed! hehehe

This entry was posted on Monday, July 21, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

pano naman ung sobra sa libog?

Jeff, pag sobrang libog...madaming anak! hahahaha

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"