Mary Jane  

Posted by: Gelai

Kahapon half-day ako di ako nakapagblog..hehehe namiss ko tuloy... hayyyyz! Pumunta ako hospital kahapon dahil me dinalaw akong isang kamag-anak, sobra nakakapanlumo ang aking nakitang mga bata...parang di pa nila deserved ang magkaron ng ganung karamdaman...tusok ng karayom sa kamay para sa dextrose, meron din sa paa, meron sinasalinan ng dugo, meron blue baby, meron naka incubator, meron kinukunan ng dugo para sa blood sampling...yung nakita ko parang di marunong yung doktor, parang sa tingin ko intern pa lang ata, labas masok ung karayom sa me kamay ng bata, maka limang beses nya sinubukan, di daw nya makuha kung saan ung ugat ng baby....hayyyyyzzz, napapaiyak na lang tuloy ako parang ako ang nakakaramdam ng sakit...ako ngang matanda na nasaksaktan ako sa turok ng karayom much more pa kaya yung mga baby.

Naglilibot libot ako sa Ward 9, isa sa kumuha sa aking attention si Mary Jane Sevilla, 15 years old, nakasabit kase ang record sa kama nya, namimilipit sa sakit ng tiyan nya, nilapitan ko siya tinanong ko kung saan yung kasama nya, lumabas daw, ako muna ang nagbantay sa kanya...habang binabantayan ko siya, namimilipit pa rin siya sa sakit ng tiyan nya.... gusto ko siyang haplusin kaya lang di ko magawa kase baka hampasin nya yung kamay ko, di nya naman ako kilala, kinausap ko siya kako kung anong sakit nya sabi nya sa kidney... sobra akong apektado tuwing sabi nya ng "arayyyy ko po, mama..." sabi ko na lang na parating na yung mama niya... matagal din ang aming kwentuhan..mabait siya sa kin, in fairness! maya maya dumating na yung mama nya ewan ko anong binili, lumapit na ung mga doktor... binuksan nya na ung binili ng mama ni Mary Grace, nakita ko surgical hose na maliit... di ko marinig ang usapan nila basta ang nakikita ko na lang umiiyak si Mary Grace kase ayaw nya pumayag na ipasok ang surgical hose sa ilong nya...kahit ako rin, di rin ako papayag, sakit kaya nun! ... pero sabi daw ng doktor yun daw ang makakatulong para maibsan ang sakit ng kanyang tiyan... pumayag na rin si mary jane maya maya me likido na dumadaloy sa surgical hose na kulay orange mula sa kanyang tiyan ...after mga 5 minutes 'di na dumadaing si Mary Jane ..naibsan na daw ung sakit ng kanyang tiyan...Hayyyy salamat! mabuti naman sabi ko sa sarili ko... hanggat pag uwi ko siya pa rin naiisip ko... sana tuluyan na siyang gumaling! Kasama ka sa prayers ko...

This entry was posted on Friday, July 25, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

1 comments

nakakawa nmn sya,naalala ko tuloy nung nsa ospital ako at ngbabantay sa mama ko dahil naoperahan din sya sa bato,nsa ward din kami nun at madami din akong nkita puro mga inopera, yung isa nga puro tahi sa ulo tpos yung iba ang haba ng hiwa sa tagiliran, katulad sila nung sa mama ko opera din sa bato.Pero ang di ko makalimutan eh yun nkita ko na matanda, sumisigaw sya tpos galit na galit sya sa nurse kse nahihilo nadw sya ayaw daw nya ng oxygen tpos sabi ng nurse "relax ka lang tay" sumisigaw padin yun matandang lalake, umalis ng sandali ang nurse, titig na titig ako sa mtanda habang nagsisigaw sya ng bigla syang tumigil sa pagsigaw at nanginig sya, ntakot ako at ang mama ko at iba pa nming katabi, maya maya dumating ang nurse ginigising nya yun matanda sbi nya "tay..tay..tay" tumakbo ang nurse at tumawag na ng mga kasama. they all tried to save the life of that old man but sad to say hindi na naibalik pa ang buhay nya.Pero sa kabila ng lahat you can realized na mas makakabuti din yun to end up his sufferings.

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"