If i were...  

Posted by: Gelai

Nung bata pa ako marami akong pangarap sa buhay, marami ako gusto maging.., marami akong personalidad na gusto ko maging katulad... natatandaan ko nung kabataan ko tinanong ako ng Mama ko kung anong gusto ko paglaki ko. sagot ko maging MADRE... tawa ng tawa sila ng Tita ko , nagtataka ako baket natatawa sila sa sagot ko.... napagtanto ko na ngayon kung baket...hahahahaha

Kung ako ay naging:

Presidente ng Pilipinas:
  • Sa mga nagrereklamo na wala na daw silang makain at naghihirap : "Kung magtrabaho ka kaya, para me kainin ang pamilya mo kesa nakatambay ka lang jan lang noh, at naghihintay ng grasya? Wala ako diyan sa bahay nyo na nakaantabay kung meron kayong kakainin o wala... May gana ka pang magreklamo isa ka lang palang tambay, Kaloka! Wag na natin isisi sa Presidente ang maliliit na bagay na kaya naman nating masolusyunan sa ating sariling paraan.
Producer ng mga CD's at DVD's at mga May ari ng sinehan:
  • I will lower down ang presyo ng mga ito, tutal mura lang naman ang blank CD sa CDR King di ba? Sa tingin ko Php 350.00 to Php 700.00 di afford ng masa. Kaya mas tinatangkilik pa nila ang mga pirated kahit bawal bibili at bibili pa rin, yung Php700 ilang kilong NFA rice na yun (pipila pa ako mamaya bwahahaha). Kahit araw araw mang raid si Edu Manzano??? (hindi Edu Garcia! hehehe) eh kinabukasan anjan na naman. At suggestion ko lang noh, sana wag yung mga CD's at DVD's ang pinapakita nyong dinadaganan ng pison yung mismo sana may-ari na namimirata hahahaha. At sa sinehan last nanuod ako Php 50.00 lang, nung nanuod ako last week parang gusto ko umatras at di na manuod sa sobrang mahal....Php 130.00 ???biruin mo yun??? ilang pirated DVD na yun... charrring!
Manny Pacquiao
  • Mag reretire na ako habang 4 na ang title ko, at maipagmamalaki ko na iniwan ko ang larong boksing na UNDEFEATED ako. Definitely! you know! Very absolutely! hehehe. At isa pa hindi na ako mambabae.... Hi Ara!
Mayaman:
  • Madami akong natutulungan ngayon, parang ang sarap ng feeling na natutulungan kahit sa munting paraan. Hayyyz! Sana tumama ako sa Lotto! pano ako mananalo di naman ako marunong tumaya.... kalungkot!
Doktor:
  • Marami na akong hindi napagaling.... wala sa vocabulary ko maging doktor eh, sorry!
Artista:
  • Di ako sikat! bwahahaha (malamang!) di naman ako TALENTado
Manicurista:
  • Lahat ng customer ko pagagandahin ko! Note: sa pedicure libre Betadine. ang masugid kong customer ang aking Ina...sya lang talaga nagtitiwala sa aking kakayahan kaya hayun 3 na yung patay na ang kuko! Peace Mama!


Titser:
  • Walang matutunan ang estudyante ko sa akin, meron man puro kalokohan..hahaha wala akong tiyaga magturo lalo na sa mahina mag pick-up, in short mahina ang Intelligence Quotient, in super short BOBO! hayyyy ewan ko basta hate ko ang magturo
Bulag:
  • Wala ako makita! (Natural! Bulag nga ako eh!) Di ko sana makikita ang kagandahan ng paligid ko, ano itsura ng mama at papa ko (na tatay) , kapatid ko, kaibigan ko, kamag anak, si PAPA
Kaya nga kung tutuusin marami akong gusto sa buhay, pero kuntento na ako kung anong meron ako ngayon, di na ako naghahangad na masyado. Although meron pa rin akong nais marating at maging... kung darating maraming salamat kung hindi ok lang din!

Just count our blessings and be thankful.

This entry was posted on Thursday, July 10, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"