Age Matter???  

Posted by: Gelai

Last Friday kausap ko si Ylyzza ang aking inaanak ko sa chat: (In fairness, take note "chat", high tech talaga ang mga bata ngayun...)

Ylyzza: Ninang wala ka pang anak???
Gelai: Wala pa eh, yaan mo anak malapit na...
Ylyzza: Ilang taon na po ba kayo???
Gelai: Hulaan mo..
Ylyzza: 19
Gelai: Hahahaha!

Cyempre tuwa ang Gelai kase ang laki nang nabawas sa edad ko hehehe, at me kasabihan ang bata hindi nagsisinungaling hehehe. Sa Christmas ano gusto mong gift Yly??? hehehe Sa papapatuloy ng usapan namin ng mabaet kong inaanak:

Ylyzza: Baket po kayo tumatawa ninang?
Gelai: Baket mo naman na 19 pa lang ako...
Ylyzza: Kase ang liit nyo po eh... hahahaha

Ang bruha kong inaanak, ok na sana eh kaya lang bumawi pa nung last part, hindi ko na tuloy kinausap, bigla akong ng log out hahaha.. Halata bang masama ang loob ko?? Hahaha
(uwian na kase!).

Nasa bus ako pauwi ako sa amin, oo nga noh ang bilis ng panahon dati nung bata pa ako excited ako mag birthday binibilang ko pa ang natitirang araw bago ako mag kaarawan, ngayon ngkaka edad ka na parang ayaw mo na dumating yung birthday mo. Pero uu nga noh. I realized, I’m getting old. Well, not that old…Nasa kalendaryo pa naman ako. The truth hurts when you let the small stuff bothers us. Kaya pala it has been impolite to ask a woman’s age. The fact is everybody will age. But not everybody will age gracefully. The truth hurts and will also set one free. Accepting and cherishing the wonderful years of life, knowing that with age comes wisdom and authority. Life ain’t really that bad after a few deep breaths, it feels much better.Age is something that is beyond our control. Whether you like it or not, tatanda tayo.

Kaya yung tumatawag sa akin ng ate, na di ko naman kamag anak! TATANDA KA RIN!!! Yung mga back rider sa jeep pag magbabayad ako " San po ito ate??? Ate ka jan!!! Kuya naman, pudpod na ipin sa sobrang tanda mo ate tawag mo sakin? ok ka lang??? hmp!

Aging is inevitable. Magpunta ka man sa iyong beauty Viki Belo araw-araw, pakyawin mo ang Oil of Olay at Pantene Age defying ni Kris Aquino, hindi mo ito mababago o mapapalitan. You just have to make the most out of it.



Aged…It is a way of life. You will grow old. Cosmetic doctors can only do so much. The important thing is, you lead a life well-lived.

Sa mga can't afford pumunta k Belo at Calayan, katulad ko: BE POSITIVE and AGE GRACEFULLY!

Smile!



This entry was posted on Monday, July 07, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

Ayos to dude! korek ka jan... lalo na sa mga lalaki, na a-apply yan... kasi ang lalaki habang nagkaka edad lalong sumasarap... :D

ahihihi, isa kang lambanog!

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"