In Fairness  

Posted by: Gelai

In fairness, ang usong uso expression ngayun ng mga kabataan mapa babae, lalaki, bading, sosyal, medyo sosyal, estudyante, matanda, bata... me ipin, pustiso man o wala, at yung mga taong minsan lang makapag english nagagamit nila ito, in short halos ng tao ginagamit ang salitang in fairness. Ano nga ba ang in fairness? parang ito ung seeing a good things that are bad... parang nanlait ka tapos bigla kang bumawi, it's like seeing the sunshine after the rain...

Madalas kong ginagamit ang in fairness, ginagamit ko siya parang pambawi sa mga nilalait ko..hehehe sama ko noh? i can't help it, tao lang ako.., me mata at pakiramdam, aminin nyo ganun din kayo di ba? di ba???

ang bagal ng computer ko, pero in fairness, flat screen ang monitor di tulad ng iba jan parang microwave..hahaha (nelson? yan pa rin ba yung gamit mong monitor?)

ang mahal ng pamasahe ko ngayun, in fairness, gwapings ko katabi ko kanina sa FX... (landi!)

Dumadami ang bakla ngayun kahit di sila nanganganak, in fairness, masaya sila kasama sa gimikan

Ang pangit ng damit nya parang kurtina, in fairness , bagay sa kanya. (muka naman siyang bintana eh) joke!

Di naman siya kaguapuhan, in fairness, ang lakas ng dating nya...

Sa pagkatagal tagal ng panahon nagka uniform na kami, in fairness, di rin kami masaya...joke!

Pango ang ilong nya, in fairness, me sense siya kausap... ang layo ah! ( panget pa rin ba?) hahaha

Temptation talaga ang credit card, in fairness, nakakatulong pag nakapos ako sa budget... makapag swipe nga mamaya hehehe, kapos eh tagal ng sweldo!

Ang panget nya sa picture, in fairness, maganda siya sa personal...

Ang mahal ng pagkain sa canteen, in fairness, masarap naman silang magluto... (panawagan: kuya, next time dagdagan nyo naman ng asim ang sinigang nyo, parang nilaga eh)

Niloko lang ako ng ex-jowa ko, in fairness, nabigyan niya ako ng cellphone...hahaha kahit di ka na bumalik, di kita kawalan (sabi nga ni Keanna Reeve's "It's not my lost, eat yours!") Kaloka!

Ang laki ng tax na kinakaltas sa amin, in fairness, babawasan na daw next month... sana naman hayyyyz!

Ang lamig sobra dito sa office, in fairness, ang dating kubays* ngayon ay kutis porcelana na! ( di ba dennis?? ahihihi

Oh di ba, ang negative nagiging positive, dahil sa in fairness. Try mo siya gamitin, in fairness, nakakatuwa!





*** KUBAYS - adjective came from the intruders word kutis bayag.....
- see under sui's dictionary

This entry was posted on Monday, July 28, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

3 comments

demyth! wui... burahin mo yan dudette.. infairness tama ka.

hmmm... nonesense... infairness bakla nakakatawa sya.. lol hahaha!!!!

~~in fairness u maid my
day na tawa aq don ha..
hehehe..nice one gel..

..gelyn^_^

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"