Curious  

Posted by: Gelai

Nung bata pa ako madami kong tanong...maraming gusto malaman, baket ganito, baket ganun...ang hirap maipaliwanag ng tinatanungan ko kase bata pa daw ako pag laki ko na daw malalaman ko rin... naalala ko nung bata pa ako ang daming, BAKET?????

... baket wala ang tatay ko sa bahay namin, kung mga kalaro ko meron silang tatay...
... baket nagkakaron ako ng honor dati, hindi naman ako nag aaral
... baket nabuntis yung Tita ko wala namang asawa....
... baket binibili ng magbobote ang mga bote...pinapalitan ng cheese curls??
... baket pinapatahan ako umiyak ng mama ko, pagkatapos paluin
... baket me yaya ako, di naman kami mayaman
... baket madaming taong nakipaglibing kay Ninoy Aquino, lahat kamag anak nya ba yun?
... baket dati madami kaming kamag anak? ngayun wala na... hahaha
... baket sabi ng kaopisina ng papa ko sa akin dati.."Hihintayin kita ha?" san nya ako hihintayin?
... baket dati pag nasa Japan, mayaman?

Hanggang sa aking paglaki nadala ko ang pagiging mausisa, ahhhh CURIOUS pala yun sa English...maraming tanong na mahirap masagot, mahirap maipaliwanag, minsan di na lang ako sinasagot ng taong tinatanungan ko. Minsan ako na lang ang sumasagot sa aking mga katanungan...

Nung 3rd year high school sa chemistry class namin baket kaya pumasok ang itlog sa loob ng bote ng buo, at napalabas ng buo ang itlog, nag research ako dahil pala sa pressure ...chuvachenes ek, ek!

Nakita ko isang araw yung kapit bahay namin, nakapalda, ang Gelai syempre di mapakali kaya tinanong ko baket nya nakapalda...sabi nya tinuli daw cya, ask ko baket ka nakaganyan? di nakasagot ang mokong! hahahha.... kaya pala para di masagi!

Wag muna daw makipag boyfriend kase bata pa ako kase baka daw ako mabuntis, Huh??? Baket?? ano gagawin ba namin?.... alam ko na rin kung baket....

Nung college ako, baket binigyan ako ng pang sine ng ka boardmate ko di naman kami close masyado?.... ngayun alam ko na!

At one point in my life, nacurious din ako kung meron nga bang Diyos... ? sinagot ko rin ang sarili ko, Simple lang ang sagot ko na isa ring tanong....Baket me langit at lupa? baket tayo nandito? Baket tayo gumigising sa umaga galing sa pagkakatulog?"... meron ngang Diyos

Curious lang ako baket may mga taong nega...aminin natin maraming taong ganyan! Baket di na lang ituon ang isip natin sa positibo. Sasabihin 'di natin kaya... ang tanong, "Sinubukan mo na ba"?

Baket mas nakikita pa natin ang panget na ugali ng ating kapwa, baket di pagtuunan ng kanyang magandang ugali? Baket pinipili mong maging malungkot..pede ka naman maging masaya??? Baket mo hinahanap ang kamalian ng isang tao, para ano? Minsan naiisip ko may nabubuhay talaga mga taong ganun noh? Mas masaya sila pag ang kapwa nila napapahiya, nagdadalamhati, nasasaktan, naagrabyado... nakakatulog pa kaya sila ng maayos?

May nadaanan akong nagkukumpulan na mga nanay ang aga aga tsismis na agad ang inaatupag...Curious lang ako baket ang hilig makialam sa buhay ng iba... ano kaya mapapala nila dun? mababago ba ang presyo ng bigas? hayyyyyzzz! sad but it's true..di ko rin alam...siguro masaya lang sila ng ganun...and so be it!

Sa magkaibigan di naman sa lahat ng pagkakataon kelangan mong maging adviser nya, minsan kelangan lang ng tenga na makikinig. Curious???

As we get matured...unti unti natin nasasagot ung ating mga "bakit", minsan di mo talaga mahanap ang kasagutan, at mangyayari na lang sayo at bigla na lang maiintindan yung matagal mo ng katanungan. At masasabi mo na lang na "ahhhh kaya pala". Iba iba uri ng tao...ang kanilang pananaw...ang kanilang opinyon. Irespeto na lang natin ang isa't isa ...and hayaan mo na lang ikaw maging CURIOUS!

Live and let live....

This entry was posted on Tuesday, July 22, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

tumpak kaibigan ang iyong mga salita... kasabay ng paglipas ng panahon and ating kaalman sa buhay ay lalong yumayabong...
>
...sya nga pala, naipakawala ko na noong pang nagdaang linggo...

~~tama ka jan gel . .
iba na tlga ngyn no
iba tlga pag tumatanda
na yung mga tanong natin
ngyn tau rin sumasagot . .
yung mga bagay na tinatanong
natin bakit ginagawa yun
ngyn ginagawa na natin . .
hehehe,ganito tlga buhay . .

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"