Echoserong Fats  

Posted by: Gelai

Fats, Fats, Fats... bili kau? Hehehe Dami ako nyan... I have been gaining so much weight recently. Para gusto ng fats permanente sa katawan ko ang tagal at ang hirap magpapayat.

Nabasa ko sa isang article "when you are getting older, your metabolism becomes slower, and that’s a sad fact. Metabolism is not very favorable to the middle-aged people. Metabolism has no respect for the fats accumulated in an aging woman’s body, and this may cause her depression then eventually lead to self-pity. OA ba?

Di naman ako nadedepressed (wehhh?) e ano kung sabihan nila ako ng majuba ako, totoo naman, hmp! ang ikinalulungkot ko lang di ko na nasusuot ang gusto ko suotin, naiinsecure lang ako pag me nakikita ako girlalush na walang puson... mga sexy. At madali ako hingalin, konting lakad lang para ng mauutas ung hininga ko.

Dami na pumupuna sa akin... "ang taba mo na", "Hiyang ka noh?" "Bawas Bawasan mo kumain ng kanin"" Magpapayat ka". Minsan parang di ko matanggap, kaya ang sinasabi ko lang "Di ako mataba, masikip lang ang damit ko hehe". Kung nakakamatay lang yung mga puna nila ...tigok na aketch ngayun! ahuhuhu At eto pa ang echosera frog kong pinsan kulang na lang ipamukha sa akin ang aking katabaan, di ko alam kung matutuwa ako...sabi ba naman "Ang taba mo na, wala ng korte ang katawan mo" Oucchhh! ! (ate minsan magpakaplastik ka naman sa akin)... wait me karugtong pa pala "Buti na lang maganda ang mukha mo..." Hmmmm echos ka! bumawi ka pa nasaktan na ako, hmp... Sabi nga nila Beauty is in the eye of the tiger este beholder pala ... at Beauty is relative ...relative ko yun eh bwahahaha. Saka maganda talaga ako depende sa katabi... ahihihi

Dati kahit isang kaldero kanin ang kainin ko di ako tumataba, ngayun makaamoy lang ako ng pagkain feeling ko 1 kilo na ang dagdag sa aking timbang...kaloka! Dati pag meron picture picture gusto ko kasali ako umeepal ako lagi...ngayun ayaw ko na kase hiya ako kase tinatago ang taba (Mag lesofat!). At eto pa ang matindi dati tawag nila sa akin Pops, ngayun si Fats Pernandez na ako bwahahaha

Kaya nag decide na ako magpapayat, ang drama ko ngayun, ang pilates ball (exercise kuno!) kahit masuka suka na ako kakapilates go! go! go!, after 6 , slimming tea at no chocolates (that's the saddest part). Tapos yung baon ko, yung jowa ko na ang nagprepare, mabibilang na lang ung butil ng kanin sa konti... kase pag ako ang nagprepare tipong pati pang dinner kasama na hahaha.

Nagpapayat ako di dahil sa mga sinasabi ng taong nakapaligid sa akin, nagpapayat ako dahil gusto ko at cyempre healthwise at cyempre feeling good na rin. Payat man o mataba, one’s body may change. But I guess, mentality and attitude ko muna ang papalitan ko para ma-achieve ko ang goal ko. I should stop dweeing on the past and on my fats. I should fight to be fit.

Wait lang kayo mga friendship, papayat ako ulit. Wait lang kayo, I declare war against fats. Now na!








This entry was posted on Thursday, July 09, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"