Happy Birthday Bro. Bo! at Driver na me Sapi  

Posted by: Gelai

When i wake up this morning, unang pumasok sa utak ko "God loves me, God is with me, i'm beautiful, i'm great, i'm a good person, i'm blessed, I can do all things through Christ". Yes! para akong baliw kanina, pero iba talaga ang epekto sa aking pagkatao, ang sarap ng feeling. Epekto ata ito nung preach nya kahapon na sobrang naantig ang puso ko di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Every single day here in the office before anything else, petiks muna ako (shhhhh! wag nyo ako sumbong sa bossing ha? hehe) one of my petiks, is to watch http://preacherinbluejeans.com . Whenever he talks/preach it touches me, he touches my soul, he inspires me, energize me, positive thinking, he reminds always there's more reason to smile, and top of all he leads me more closer to God. For what i am now Bro. Bo Sanchez is a big part of my spiritual life, he is an inspiration, indeed! Happy birthday Bro Bo. Thank you so much.

And this morning my temperament and patience test:

Actually, Saturday is a NO WORK, but Tanjo ask me and Sui to attend E-PATROL for technical support and verification (for those who don't know E-PATROL, di ko rin alam, ahihi). So 5:30 am gising na ako, as i've said earlier ang ganda ng gising ko. Masyado pa maaga since wala naman traffic kako maglalaba muna ako konti lang naman, at si Sui nag text ng 6am in 45 minutes daw nasa office na siya.... waahhhhhh! di pa ako nakakaligo! Pero tapos na ako nun mag laba, imaginin mo 30 minutes lang tapos na labahin ko? hmmmmm! naisip ko nga rin kung malinis ang mga nilabhan ko? Nangarag kase ako sa text ni Sui, kaya minadali ko. Sinabi ko nalang sa jowa ko siya na lang ang magsampay, pumayag naman siya...so kumain muna ako breakfast then sabay alis.

Nung sumakay na ako sa jeep, nakita ko yung wallet ko wala akong barya P6.75 lang then P500 na buo. Ang minimum ngayun is 7.00 pesos di ba? Kulang ng.025 centavos. aligaga ang Gelai, alangan bumaba pa ako noh. So di binayad ko ka nalang ang 6.75, kesa di ako magbayad ...

Gelai: Kuya bayad ho Benpress lang, pasencya na po kulang ng 0.25 centavos.

Driver: (Mukang nasa 35 ang edad. Habang nagmamaneho, nagtetext ang mokong) San to?

Gelai: Benpress lang po, kulang po yan ng P0.25 pasencya na po...

Driver: Ano to estuyante? (na para bang nang aasar)

Gelai: Hindi po, kulang lang po ng bentisingko. ( ano ba itong si manong paulit ulit parang sirang plaka)

Driver: Dapat sinabi mo na kulang para di na kita sinita, mapapahiya ka lang.

Gelai: Sinabi ko po kanina pag bayad ko na kulang ng .25, di nyo lang narinig.

Driver: (Dumadakdak ng bongga, di ko naman maintindihan at talagang apektado sya sa kulang ang bayad ko ng bentesingko sentimos. Parang me sapi! Tag hapit talaga!)

Gelai: (naiinis ako kase tingin ng tingin sa akin sa rear mirror ng jeep parang kakainin ako ng buhay makatitig) "Eto ko 500 pesos suklian nyo na lang ako dun sa kulang ko para matigil lang kayo"

Driver: Eto rin buo din ang pera ko, palit tayo! ( pinakita nya rin yung 500 nya)

Kinalma ko na yung sarili ko di ko na pinatulan, iniisip ko rin baka pag pinatulan ko mainis sa akin at pag bababa na ako bigla ako ihulog. Katakot! Anyway di ko rin naman maintindihan ang mga pinagsasabi nya. In a way nakokoncyencya din ako, i admit ako ang me pagkukulang (literally...kase kulang ng bentesingko) pero humingi na ako ng pasencya sa kanya, alangan naman bumaba pa ako sa kalagitnaan ng byahe sa halagang 25 sentimos? Sa inis ko, sabi ko sa sarili ko "mabangga ka sana"..... nyeeeee! hindi erase! erase! erase di ko dapat iniisip yun... una pag nabangga sya andun din ako sa jeep, pangalawa me mga pasahero din madadamay... kinalma ko pa rin ang sarili! Hinga ng malalim.... Inhale.... exhale.... kinakausap ko yung sarili ko "chill ka lang gelai" inaaliw ko talaga ang sarili ko hanggat mawala yung inis ko.


Pasahero: "Para"

Driver: (Hindi pa rin sya humihinto )

Pasahero:(nagalit na ang pasahero kase malayo na ang binabaan nya)

Driver: Di mo ba nakikita dito ang tamang loading at unloading.... etc...etc. etc... (dakdak ever, parang sinapian na naman)

Sabi ko na lang sa sarili ko ganito talaga ang ugali ng taong ito? Naisip ko na lang na siguro di sya masaya sa trabaho nya , kase masyado siyang iritable, yung simple pinapakumplikado nya...mabuti na lang malapit na ako bumaba... di ko na makikita ang maangas na mukha ng mamang driver na ito.

Gelai: (Benpress na, me konting takot baka sapian na naman bigla ako ihulog) "Para ho"

Buti na lang nakababa ako ng matiwasay.... natest ko yung temperament at patience ko sa mamang driver na tag hapit na me sapi!

















This entry was posted on Saturday, July 11, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"