Pilates Ball  

Posted by: Gelai

Last thursdays pumunta kami sa Megamall ni Mama che para magliwaliw at the same time hintay namin si Sui. Habang naglilibot kami me nakita kaming Promo ng Pilates Ball on sale sya at P299.95, sabi ko kay mama Che bili kami kase mura lang naman, para yun na lang ang gagamitin namin pang exercise at ng lumiit liit na aming puson, hehehe kaso nung nakita namin ung poster maavail mo lang ang 299.95 kung meron kang P500.00 receipt worth of purchase sa SM Department Store mismo at SM Advantage Card, if none of these you can't avail the pilates ball. Bigla kaming nalungkot, meron kaming Advantage card wala naman kaming receipt, sabi ko saka nalang tayo bumili tutal matagal pa naman up to July 31, 2009 kase wala naman kaming bibilhin sa SM department store. We need worth P1,000 receipt para maka avail kami ng 2 pilates balls. One for me and one for mama che...hayyyyyyzzzz. Kaso parang di kami mapakali sa kagustuhan na naming lumiit ang aming puson. Gumawa kami ng paraan na di namin makakalimutan....at naniniwala na ako sa kasabihang. "kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming meron paraan" Rico Blanco ako ba ito?

Bunga ng aming malikot na isip at katalinuhan ni Mama Che at syempre tawag na rin ng pangangailangan, alam mo kung anong ginawa namin ni sa hinagap at di ko maimagine na magagawa namin yun.... alam mo kung ano ginawa namin? Mukha kaming kawawa na naghihingi ng resibo sa bawat nakikita namin na namimili...para kaming mga stalker na sinusundan at tinatantya kung madali kausap. May babae na ang dadamot ayaw ibigay ang resibo, may lolo na parang galit sa mundo (afraid!), sa mga lalaki na medyo gwaping di namin nilalapitan kase nakakahiya hehehe, ang target namin ni Che ung mga mukang mabaet at madaling i approach...una namin nahingian ang tatay na namili ng toys P449+ ang nahingi namin na receipt (parang ayaw pa nga ibigay kase baka di daw sya makalabas ng ng Megamall, kase baka daw sitahin daw sya). Adik ka ba manong? hehehe pero in fairness meron syang katwiran, pero naman Manong ano ka nasa Lianas? hahaha inspect pa yung receipt mo baka ka lumabas tapos tatakan pa di naman check kung ano ung nasa resibo, pinapagod mo lang sarili nyo.... it doesn't make any sense, di ba? To make the long story short nakabuo na kami (sa wakas!) ng P1,000.00 (accumulated receipts). Pede na kami maka avail ng Pilates ball! Yeheyyyyy!

At the counter:

Gelai: Miss mag aavail kami ng pilates ball. Dalawa! (with matching taas noo). Sabay abot ng resibo.

Cashier: (Check yung mga resibo). Ay miss kelangan nagamit ung SM advantage card para dito sa mga napamili nyo.

Gelai: Ay! Ganun po ba? (di na ako umangal kase alam ko naman na pinaghihingi lang namin ang mga resibo at wala naman ni isa dun sa resibo na naswipe yung advantage card ko)

Umalis kami ng counter ni tawa ng tawa kase ang hirap ng pinagdaanan namin tapos di lang pala pede yung ginawa namin. Hmp! Pero di pa rin kami nawalan ng pag asa. Nag try parin kami sabi ko sa another counter.

Gelai: Miss, mag avail kami ng pilates ball (abot ko na naman ung resibo)

Cashier: Natanong nyo na ba sa nag aattend ng na kung pede accumulated receipts?

(Balik na naman dun sa salesboy kung pede yung accumulated receipts? Pede daw, kaya balik na naman ako sa counter). Shet ha...ang pagod ko nun ha? At che asan ka pala nung pabalik balik ako? di kita napansin? hehehehe

"Pede daw po" sabi ko sa cahier (so mukang Ok na!). Nung pina punch na ng cashier YESSS! Bayad ako P600.00 para sa dalawang pilates balls. Nung inabot na sakin ang receipt para i claim ko na sa salesboy ang binili namin, kinindatan ko si Che. Parang sinasabi ng aking mata na " At last nagbunga na ang aming paghihirap ni mama Che mula sa panghihingi ng resibo, ang pride, kahihiyan, ang pagod sobra". Excited na akong umuwi gusto ko na magamit ang aking pinaghirapan....

Sa bahay:

Ang ginawa ko syempre nilagyan ko muna ng hangin....bomba dito bomba duon! sakit sa braso sabi ok lang exercise naman ito....so after 9 years natapos na ako hehehehe . So binasa ko yung box nung pilates andun yung mga posibleng mga exercises na pedeng magamit ang pilates balls, so ginaya ko posisyon na ito.....



Maya maya tumigil ako....nuod ako ng tv habang naka upo ako sa bola...naramdaman ko na sakit ng ulo ko, higa ako , sabi ko baka pagod lang...tayo ulit! diretso na ako sa CR sabay sumuka ako.....Hahahaha nahilo ang Gelai kaka pilates.... shettttt! ang hirap magpapayat!
Pucha Pilates na yan....uubusin ata yung bituka ko kakasuka! HMP...






This entry was posted on Friday, June 26, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

3 comments

wahaha.. parang agent kayo ng family first ah, "excuse me may credit card ka na?" sa inyo kakaiba "excuse me, may resibo ka? akin na lang" waaah..

kuhang kuha mo san ah! ganun na ganun nga ang approach namin...bwahahaha naiimagine mo yung pinag gagawa namin? nakakahiya di ba? Pero sinabi ko sa srili, "eh ano ngayun? di naman nila ako kilala eh..." astig!

hahaha... anak ng tinapa another version ito mga dods...KALABIT TUTOK UPDATED VERSION...pero ang galing galing ha mission accomplished!

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"