GREEN  

Posted by: Gelai

Daming naka green ngayun na damit, umaga pa lang sa sakayan ng jeep dami ko na nakita na meron suot na green na damit... i love green talaga! pag nakakakita ako anything na color green na aamazed ako.... ahihihi

Kanina sa jeep, byaheng JRC/Crossing isang mainit at napasikip na jeep ang aking nasakyan tantiya ko siyam-an lang yung upuan, meron sumakay na babae naka GREEN , kaya nakuha nya ang aking attention, medyo malusog siya, kaya parang di na cya kasya sa upuan. Lumalabas na siya ang pang sampu sa upuan...kaya masikip na talaga....nakikita ko hirap na hirap na siya...nakakaawa! maganda pa naman... pero tamang tamang meron bumaba bandang Rosario. Laking pasalamat siguro nung miss kse nakaupo na siya ng maayos...

Tapos meron na naman sumakay na babae sa Rosario, naka GREEN ulit, this time talagang MAJUBA talaga , eh puno na nga ang jeep at isa lang ung bumababa ang talagang siksik to death ang hitad... kase talagang ang hirap sumakay sa lugar na yun. So ang nangyari para hindi na lang mapahiya, di na bumaba at pilit isiksik ang pwet nya sa katiting na space, eh mataba nga... kahit konti wala talaga maisingit na laman... napansin ko parang naka squat na lang cya pretending to the highest level na nakaupo cya... pero wala ! wala ! wala! wala siyang nauupuan.....bwahahahaha. Di pa man kami nakakalayo, nakita ko hirap na hirap na sya. Napansin ko ang kanyang GREEN eye shadow na terno sa kanyang damit ay nahuhulas na dahil sa pawis.... pawisan na si Girl in GREEN.... pahid dito, pahid don.... sa loob loob ko lang ang pinaghirapan mong make up di ka pa nakakarating sa paroroonan mo burado na ! Ang hirap kaya umupo sa kawalan, with matching nginig pa ng tuhod!!!

....bumaba na sa ako bandang STRATA andun pa rin siya... I hope nakaupo na siya nang maayos sa aking pag baba.

Habang naglalakad ako kanina papuntang office, di ko talaga mapigilan mapangiti kase naalala ko yung itsura ng babae kanina, naaawa ako na natatawa! ayaw ko tumaba ng ganun.... AFRAID! baka matulad ako sa kanya na nakaupo sa kawalan...at mahulas ang aking make up! Kaloka







This entry was posted on Friday, March 06, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"