Closure ka jan!  

Posted by: Gelai in

Last night di ako makatulog, ewan ko ba kung baket bigla ko naisip yung EX ko nabigla na nawala na parang bula, parang glow in the dark na di na kuminang, at parang mumo na di na nagparamdam. Parang.... Parang Marikina! (korni... hahahahaha?) Ha? Love ko pa siya?????.... helllooooo!!! sa ginawa nya sa akin? Pinaasa nya ako, waste time, money and effort, oportunities i left behind. Di na rin sa umaasa pa akong magkakabalikan kami.... NO WAY! Ang sa akin lang, wala naman problema sana akin abisuhan man lang ako "Huy bruhang Gelai! di na kita babalikan, kase meron na akong ibang mahal". Kung sinabi nyang ganun, period! At least wala ka nang inaasahan na babalikan pa ako, di na ako mag aalala kung may masamang nangyari sa kanya at para isang sakitan na rin lang at isang bonggang bonggang iyak... In short, i know where I stand! At hindi ako naka hang sa ere!

Bago siya sumampa sa barko, maraming pangarap ang nabuo, marami ring pangakong naglaho (sounds family? ahihihi) na pagbalik nya (after 9 months) me balak na kaming magpakasal. May 5, 2007 siya umalis. Lumipas ang 1 month wala pa rin akong tawag na narereceived or text man lang (nagtitipid ang lolo mo? ilocano kase? joke!) galing sa kanya kase usapan namin na pagdating nya dun tawagan nya ako...which is di nangyari. Hintay pa rin...wait sa english.... "sa isang linggo tatawag na yun..." (singhot, singa!). Dumating na lang ang time na napagod na ako maghintay and tama na ang drama, di bagay sa akin, kaya i decided to go on with my life, and start a new chapter. After several months meron dumating na bagong pag-ibig (naks, kilig!) After 3 months from the time na umalis siya at di nagparamdam...na di ko naman nilihim ang aking situation at tanggap nya ako as it is, pero "No string attached" ika nga! Kase at that time umaasa pa rin ako kahit papano, kahit alam ko unfair sa guy.

And last night, baket bigla sumagi sa isip ko ang mokong na yun! dahil ba we have no closure at all? parang binabagabag ako! baket ako? Hindi naman sa mahal ko pa siya, siguro marami lang akong katanungan na gusto masagot. Hindi naman ako ang nang iwan, baket ako ang parang ng nababagabag ngayon? Hayyyyyz! Eh pano nga kami magkakaclosure eh wala na kaming communication. Sa nangyari sa akin, mahalaga pa ba ang closure?

For me, it's not that important as long as you already moved on. I moved on! Really! As a matter of fact i have a loving husband who was my "No string attached". hehehe. And I love him very much. Sa aking pagmumuni muni, maganda sana kung meron closure ang isang relasyon. Wala ng looking back, natapos ng napag usapan maayos man o hindi. Pero sabi rin nga nila "Action speaks louder than words" gaya ng nangyari sa akin, kung di na nagpaparamdam yung tao! wag ka na magbigla na isang araw wala ka nang jowa! Yun na YUN! Sabi nga sa isang radio station, "Kelangan pa bang i memorize yan?" Wag ng umasa.... kaw na mismo maglagay ng closure para wag ng tuluyan masaktan....

P.S. At kung saan ka man ngayun Mike.... Diyan ka na lang! Hmp!

This entry was posted on Wednesday, March 18, 2009 and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

4 comments

hay naketch that guy ha so pathetic hehehe joke...remember gel at sports central..hehehe lang kwenta yang lalaki na yan..kahit wala ng closure matic na yan ika nga,,,maghihintay ka ba sa wala... ung mga ganung style siguro ay ung mga dating pananaw pa yan pero sa panahon ngayon matic na nga yan at di na dapat wait...kaya tama lang ung ginawa mo...alam ko na kung bakit sumagi sa isip mo...uyyyyyyyyy iniisip ka nya...bwahahahha...marahil ay ginagamit nya ung kanyang I>S>P para ma reach ka nya kase nga la ka na rin number sa knya di ba...baka nga hinahanap ka at malay mo nag ka amnesia bwahahahah bye

palagay ko nga....sana alzeimer's disease ...saka magkaron cya ng cancer sa E G G! bwahahahaha

wait ka lang jeff, wag ka atat!

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"