Typhoon Marce  

Posted by: Gelai

Hayyyy maghapon na lang ulan dito 3 days na ito sunod sunod na ulan, baha at trapik na naman aabutin ko nito, sana pauwiin na naman kami maaga katulad kahapon (Asa!) Ang hirap ng sakayan pauwi sa amin ...lagi na lang ako nakatayo sa bus... tapos siksikan at iba't ibang amoy pa malalangahap mo.. kainis...(Alam mo ba pag ang Aircon+ pabango + anghit = amoy IMBURNAL) pagbaba ko sa bus sakit sa katawan kase puro sagi naabot ko para akong nakisagupa sa 10 tao hehehe... wala na talagang gentleman ngayon na nagpapaupo sa mga babae. Hmp!

Noong isang araw... yung matandang babae sabi nya sa akin...

Matandang Babae: Neng, maya pag baba ko sa Junction, dito ka na upo para di ka mahirapan
Gelai: Ayyyy, sige po salamat...

Kaya dun lang ako sa me tabi nya di ako umaalis... Hay salamat makakaupo din ako sa wakas...pero teka napag isip isip ko Junction??? Eh Lifehomes lang ako bababa eh... mauuna pa ako kay Lola bababa waahhhhhh. In fairness, meron taong naging concern sa akin..kaya thank you na rin...

Kahapon naman...tamang tama me bus na parating may bumaba na pasahero mga 5 siguro yun, andun ako sa me pinto kainis yung babae tama ba namang wag na daw ako sumakay kase puno na daw yung bus ... pero nagpumilit ako sumakay kase kung hindi pa ako sasakay sa bus na yun, aabutan ako ng malakas na ulan... pag pagsampa sa ko sa bus..hinanap ko yung babae at sinabing...

Gelai: (Inirapan ko muna siya) Ba't ayaw mo akong pasakayin... parepareho lang naman tayo na gusto makauwi.

Inirapan nya lang ako...Gelai pa? kung patarayan lang naman panalo ako diyan! hehehe. Buti kung kagandahan, pede siya mag inarte ng ganun...eh muka namang paa! bwahahahaha kainis talaga yung babae na yun sarap ingudngod ang nguso sa estribo eh, masyadong maepal! Feeling ko tuloy, para akong me nakakahawang sakit na ayaw ako pasakayin sa bus ! At feeling nya maganda siya...sorry to say! panget nya kase panget ang ugali nya! hayyyyyyzzzz! Kaloka!



Duon ako nakatira sa malayong yun,nakikita mu yung building na puti na yun? Doon! Kita mo???..... Di ako jan nakatira... hehehe, sa dako pa roon, sobra dilim na ng kalangitan...for sure wet look na naman ako makakarating nyan sa amin...huhuhu.

Wish ko lang pauwiin na kami ng maaga!

This entry was posted on Thursday, September 11, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

walang kwenta blog mo ang ikli bitin dre... hehehe joke lang habaan mo bukas ha..alam ko naman tayo lang ang nagbabasahan ng blog... heheheh pero in fairness natawa rin ako... pero bitin sheft... gawa ka ulit ha..hmmp

ewan ko sau... palibhasa sau super mega haba..tapos history na! ang tagal bago maipost hmp! sakit na ung panga ko kase nakapagkit na ung ngiti ko sa muka ko...hehehe

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"