Eurolink Dudes  

Posted by: Gelai


Gimikan, tawanan, kainan, asaran, green jokes, laitan, kulitan, tsismisan, manlait, diyan kami magkakasundo at magkakasama ang mga Eurolink dudes pagdating sa mga ganyan... pag kami ang nagtipon tipon walang dull moments. Ang mga Eurolink dudes ay binubuo nina (ayun sa laki, find your height! hahahaha)

Che - Ang nag iisang ina sa grupo... ang mapagmahal na ina nina Wits at ni MM, ang dancer ng grupo! lagi kami napagkakamalan na kambal kase magkaseng height kami eh, saka magkasing hugis ng body...Coca cola body (in can) ! hahahaha, di ba che? muntikan na ngang maging PASS ang pangalan niya kase pag turn nya na ang manlibre (kase every sahod kumakain kami sa Mcdo) laging pass, in fairness bumabawi naman. hehehe. Laging walang alam, kaya pala nakadalawa na siya na baby bwahahaha... si mama che kasabay ko dati yan pauwi sa north... minsan nagkwentuhan kami sa bus nyan, daldal ako ng daldal yun pala tulog na ang kausap ko tama ba naman yun? Kaloka di ba? hehehe peace che! gumanti ka na lang sa blog mo kung gusto mo pero tama ako di ba? nitulugan mo ako habang nagkwentuhan tayo? feeling ko tuloy boring ako kausap bwahahahaha...yan si mama che ang thoughtful at masayahin si mama pass, este che pala

Jefford - ang little cute boy na adventurous sa grupo ang 25 years old na parang high school student kase sa liit ng back pack este baby face kase eh hahaha, wala gf sa ngayun (pero bukas meron na)... maaga pumasok! maaga din kung umuwi hehehe..Birthday nya kahapon di naman lang nanglibre hmp! kuripot! Birthday mo, pacheese burger ka naman! Siya ang wala kasawa sawang magtake ng picture pag kami natutulog sa opis... kainis di ba? at di lang yan, one time nakaidlip ako, nagulat ako meron tumilaok, akala ko nanaginip lang ako yun pala si jeff... hehehe yan si jeff! ang tandang na nagkatawang tao!

Kirin (Jigs) - si big dude kung tawagin namin yan kase...BIG! (ang alin?) sya naman ang nag iisang tatay sa grupo. Matalino, smart (not globe), mapagmahal na asawa (sabi nya) at masyadong "techy". Isasali na nga namin siya sa Mr. Fit N Right kase di na cya nananghalian ngayun kase concious na cya sa kanyang figure... pero in fairness me pagbabago na sa iyong pangangatawan ah wala ka ng tiyan... ano pa ba??? wala na ako maisip ... next!

Jonathan - Tan for short, Tanjo for wala lang.... ang singer at ang simpatiko sa grupo! simpatiko daw oh? Charing!!! Dati mabilis uminit ang ulo nya... lalo na pag nadedehado ang babae! Pero ngayun ang laki na ng ipinagbago, hayyyyz ang love nga naman! Warfreak..gusto lagi me binubogbog...hehehe iyon kung ipinaglalaban nya lang kung anong alam nyang tama. At eto pa kung maka english, bongga talaga, dudugo ang nostrils mo! bwahahaha. Siya ang "houseband" material, kaya swerte ang babae na makaktuluyan nito! Kaya girls ito ang number nya....0922828_ _ _ _..oooppssss ! Sori me "Beyvee" na cya! kaya hanap na lang kayo ng isang Jonathan Javines.

Susan - Ang Rockista na paedumure epek! Ang Sui na mapagmahal at maalalahanin sa kanyang mga siblings... at bongga magregalo sa kapatid cellphone, astig di ba? Pero tama na ang papuri laglagan time, ang magandang babae, laging me halak hahaha....Ang laging late pumasok dito sa opis, andito na lahat ng bosing siya nasa biyahe pa lang ..hayyyyz! Kaya tinagurian ko siyang "The Late Sui" hahaha..galit na galit sa akin ang bruha! Lagi yan nanglilibre, dami kase raket nito eh saka siya lang madaming pera sa amin..kaya lagi nag share her blessings...Sui maya ulit ha? At ito pa akala nyo kami lang ni Che ang mahilig matulog? Nagkakamali kau...pasimple din ito kung matulog, dilat ang mata( gusto mo ng katibayan? ) Peace sui, maya wait ka namin ni che pero libre mo kami ha saka lagi ka mag cash advance sa HSBC....hehehe

Venz - ang lalaking ang hilig mang arbor ng mga jackets ko, hmp! kaya ayaw ko na mag iwan ng jacket dito sa opis kase pag nakita nya at nagustuhan dadalhin nya na sa kanila tapos di na sosoli, hmp! Pasimpleng pabling din ito si Vivencio Apa-ap eh...akala ko nung una, walang alam sa mga babae, yun pala parang damit kung magpalit hahahaha, Astiggggg! Kaguapuhan!

Mga walang kwenta mga tao nga yan, joke! hehehehe pero jan kami nagkakasundo dahil sa mga kababawan namin, nagiging smooth ang work, walang hassle, di mararamdaman ang pagod pag kasundo mo ang kasama mo sa work at the same time magkakaibigan kau... "walang laglagan" yan ang motto ng mga EUROLINK DUDES!

This entry was posted on Thursday, September 11, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

4 comments

astig sa blog..kakabugin ko tong blog mo..hmmp... in fairness me katotohanan... basahin mo ung post ko mamaya ha...

lemme say this dude...
assh teeeeeg!!! :)

haha... ayos to makatotohanan... parang 24 Oras, Walang kinikilingan, Walang pino-protektahan.... ahhem! "excuse me po!"

Astig ! parang Serbisyong totoo lamang..

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"