Buti nga!  

Posted by: Gelai

Ted Ito "Maghintay ka Lamang" if im' not mistaken top chart from early 90's! I love this song. Makakarelate ang mga taong meron nararanasan na problema or yung mga taong naghihintay ng kasagutan sa dumarating na problema. The song is all about perseverance.

Speaking of perseverance, meaning from dictionary - steadfastness despite delay or difficulty in achieving success. As you notice, there's only a delay and difficulty but definitely you will come your way at the right time.

Three years ago, i planned to go abroad, and one of my friend offer me if i want to apply in Dubai, and I said yes! So process all the documents they're needed, passport, authentication of my Diploma, .. and Php 70,000.00. And he said that in 2 weeks time, makakaalis na ako... so i resigned from my work and i'm just waiting for my flight... after 2 weeks, di pa rin ako nakakaalis....1 month...2 months....3 months to make the long story short....na illegal recruit ang Gelai... di na ako nakaalis... Yung 70,000 thousand ko..waaahhhhhhhh!!!! para akong maloloka nung mga panahon na yun lahat na ata ng kamalasan at problema ng sangkatauhan sinalo ko na..hehehe wala akong work nun kase remember nagresign na nga ako at inaasikaso ko lung pano maibabalik sa akin ang pera...anjan pumunta ako ng NBI, sa Isumbong mo kay Tulfo, sa ABS-CBN lahat na ng pede mapagsumbungan ginawa ko na... pero parang ang ilap ng katarungan sa akin...ang laki na rin ng gastos ko pamasahe pabalik balik.... tinanggap ko na lang na di ko na makukuha ang pera ko! Ipagpapasa Diyos ko na lang ... ang iniisip ko na lang sana makonsiyensiya naman ang taong gumawa nun sa akin. Makarma sana siya! ... so i rest my case!

So hanap na lang ulit ako ng work dito ayaw ko na mag abroad, dito na lang ako sa Pinas cguro di ko destined na mapunta sa ibang bansa. At saka nadala na ako... kaloka!

Last thursday, nagtext ang kapatid ko, tawag daw ako sa bahay kase andun daw ang kapatid ni Danny... Sinong Danny? isa lang naman kilala kong Danny yung nag recruit sa akin dati... e di tawag ako...andun nga yung kapatid nung ni Danny nakikipag areglo, babayaran daw ung nakuha sa akin na 70K kase nakakulong yung kapatid nya... Si Danny nakakulong??? di ako makapaniwala kase di ko na talaga inaasahan na magkakaron pa ng justice yung file ko na case, sa dami dami ng kaso na hinahawakan ng Manila yung case pa yung binigyan ng pansin....biruin after 3 years??? hayyyyyzzzz sino ba naman mag aakala....

Ang nasambit ko na lang "Salamat po, dininig nyo po ang aking panalangin". Wala akong galit na naramdaman sa kanya..kaya sabi ko ibigay na lang yung nakuha nya sa aking pera wala ng mahabang usapan... ayaw ko rin naman makulong yun kase me pamilya cya! Balik nya lang yung pera at makakutos lang ako ng malakas at sugatan ko ng cya at patakan ko ng kalamansi or talian ko cya sa isang puno na madaming langgam na pula /hantik ...ok na ako dun (Take note: HINDI AKO GALIT) hehehe

Walang imposible kay Papa Jesus, dininig na naman nya yung isa sa aking panalangin. Marami ng pagkakataon na lagi Siyang anjan para akin... di lang nga agad agad binibigay ang mga kahilingan ko pero alam ko na ibibigay nya sa tamang oras. Ibigay man nya o hindi ...maraming salamat pa rin, alam ko na yun ang ikabubuti ko bilang tagapagsunod Niya... Amen

This entry was posted on Monday, September 08, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"