Malapit na ang Linggo ng Wika (walang pasok sa August 25, yeheyyyyy!) Bilang paggunita, naisip ko magsulat ako ng tema na naaayon dito. Bawal ang English...Try ko lang. este subukan ko lang maging matatas ang aking sasabihin dito...hayyyz , hirap!
Tayong mga Filipino likas sa atin ang naniniwala sa pamahiin, nagmula sa ating mga ninuno, lolo at lola na pinamana sa ating mga magulang. Nakabubuti ba ito o nakakasama sa ating pamumuhay. Ikaw naniniwala ka ba sa mga pamahiin? Sa aking pananaw, wala naman masama kung sundin ang pamahiin, pero wag naman ito na lang ang magiging batayan na magiging sagabal sa iyong pag unlad sa ating pagkatao. Ito ang mga ilan sa naririnig ko na pamahiin na ang ilan di ko makuha ang lohika, minsan OA na rin, hehehe peace lola! ( oooppssss...!)

- Sa Gabi:
Bawal daw mag gupit ng kuko sa gabi.
Bawal manahi sa gabi.
Bawal magwalis sa gabi
Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi (dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo)
Baket kaya? Pero ayon sa aking pananaliksik...kaya daw bawal, kase nung unang panahon walang kuryente, since madilim, hindi mo gaano nakikita ano ang iyong mga ginagawa, sa paggupit ng kuko kung gagawin mo sa gabi baka ikaw masugatan, at kung mananahi sa gabi, makikita mo ba? kuha mo?

- Sa Pagligo
Huwag daw maligo pag me regla?
Huwag maligo tuwing Biyernes?
Di ko rin makuha baket naging bawal? ikaw alam mo? hehehe. Ang alam ko pag di ka naligo, babaho ka! ieeeewwww, yuck!
Huwag maligo tuwing Biyernes?
Di ko rin makuha baket naging bawal? ikaw alam mo? hehehe. Ang alam ko pag di ka naligo, babaho ka! ieeeewwww, yuck!
- Wag daw kumanta habang kumakain at nagluluto... (baketttt? sa handaan nga ng vivideoke pa nga eh, )
- Bawal matulog na ang paa ay nakaharap sa pinto, kase simbolo daw ito ng isang patay.
- Maghagis ka daw ng barya pag pag may nililibing, swerte daw!
- Dapat masaya ka sa Bagong Taon.para buong taon ka masaya
- Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao. (baket maliit pa rin ako? hmp!)
- Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos
- Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan (di rin!)
- Huwag magreregalo ng mga sapatos/tsinelas. (baket???)
- Hindi daw maganda magsuot ng red sa lamay or libing, kasi ikinatuwa mo raw ang pagkamatay nong tao. (tama ba naman magsuot ka ng pula na me patay?)
- Wag daw matulog pag basa pa ang buhok., nakakakaloka daw! (hmmmm, kaya pala! napapansin ko na nga lately, bwahahaha)
Yan ang ilan sa naririnig ko sa aking lola, yung iba sinusunod ko, sabagay wala naman mawawala kung susundin mo ang mga ito, pero ang mahalaga naniniwala ka sa Diyos na alam mo ang iyong mga ginagawa at responsable ka sa iyong mga aksiyon.
This entry was posted
on Thursday, August 07, 2008
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.