BURNED OUT ang Gelai! kaya we decided to take a vacation, matagal tagal na rin kami di nakapag bakasyon (conflict kase ung sched ng aming rest day) wala pa rin silang pasok until now dulot ng bagyong Ondoy nabaha kase ung working area nila kaya sinamantala namin ang pagkakataon. We decided na umuwi ng Catanduanes (my mom province). Hay sarap...malayo stress, sa wakas makakalanghap na rin ng sariwang hangin, malayo sa ingay ng Manila, relaxation at higit sa lahat mag swimming ako ng bonggang bongga!
Catanduanes is less than an hour away from Manila (by plane). Konti lang naman ang diperensiya ng pamasahe 580 pesos by land, 16 hours ang byahe hayyyyz, pag iisipin mo pa lang kapagod na, pag by plane (985 +200 terminal fee). Kaya sabi ko magplane na lang kami kami, para maiba lang hehehe. Ang jowa ko excited kase first time nyang makakasakay sa airplane hahaha (shhhh...secret lang natin yan) kaya 2am pa lang ng madaling araw gising na sya...*sshhhh ulit! Excited??? 6:30 pa ang flight namin ha... kaya yung mata ko halatang walang tulog muka na naman akong panda sa laki ng eyebags...hmp!
Finally nakarating na rin kami ng Virac, Catanduanes around 7:30am via Cebu Pacific nagpasundo na lang kami sa Uncle ko kase di ko masyadong matandaan ung bahay ng lola ko matagal tagal na rin kase akong di nakauwi siguro 4 years ago na. Ang ganda ng kalangitan walang pagbabadya ulan.
Finally nakarating na rin kami ng Virac, Catanduanes around 7:30am via Cebu Pacific nagpasundo na lang kami sa Uncle ko kase di ko masyadong matandaan ung bahay ng lola ko matagal tagal na rin kase akong di nakauwi siguro 4 years ago na. Ang ganda ng kalangitan walang pagbabadya ulan.
Pagdating na pagdating ko dun punta agad ako sa tabing dagat....lumusong agad kami... para kami batang naglalaro at first time makakita ng dagat... sayang di ko nadala ung 2-piece ko, panalo sana! Joke.... nakumpiska sa airport masyado daw mahalay bwahahaha
To be continued... kwento ko naman ung day 2 ng vacation namin...bye happy weekend
This entry was posted
on Friday, November 06, 2009
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.





