Catanduanes Trip (Day 2)  

Posted by: Gelai

Ito na ang day 2 ng aming bakasyon umakyat kami ng bundok para maligo dun sa ilog na tinatawag nilang BA-HAW... grabe super lamig ng tubig dito perfect para sa init ng panahon... sabi ng mga Tito ko maganda pa daw sa pinaka itaas pa, kase meron talagang falls dun...mas malamig ang tubig, kaya lang di na kami tumuloy kase kasama namin yung lola ko baka mahirapan na siya umakyat kaya dito na lang  kami sa first stage...dito na rin kami nagluto, nangoryente ng sugpo at isda, meron pa ngang palaka...nyeeeee.  Tumikim ako ng konti na inihaw na palaka, in fairness masarap pala ang palaka lasang manok at hipon...  tapos nagluto kami ng langka na ginataan na meron sugpo....sheeettttt sarap ng kain namin  parang wala ng bukas hehe... tapos pagkakain lusong ulit sa tubig ... sabi ko nga sarap ng ganitong buhay walang iniisip na problema kahit panandalian lamang...

 


Pero sayang 3 days lang kami balik na naman kami sa Maynila... back to reality... hahaha. Di bale sa May 2010 babakasyon ulit kami dun....sa Catanduanes



This entry was posted on Monday, November 09, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"