Yellow Memories  

Posted by: Gelai

Bagets pa ako nung nagkaron ng EDSA Revolution People Power kaya di ko pa feel ano ba ibig sabihin ng mga taong na anduon sa kalsada at naka kulay "Yellow", baket me mga madre, pare at sundalo? Wala pa akong muang kung ano ba ang pinaglalaban nila....basta ang alam ko maraming pagkain pag uuwi ng Papa ko galing sa rally.Wag ka, isang Marcos loyalist ang papa ko, baket andun sya sa rally ni Tita Cory? Balimbing???? hehehe
At naalala ko nung Presidente pa si Cory, na nagkaron ng Daylight Saving Time (DST), advance ng 1 hour. For example ang ang ang pasok ko nun sa school 6am ng umaga since DST actual time 5am pa lang. Ang hirap gumising....

Laging black-out. kaya pag gising ko sa umaga ang itim ng butas ng ilong ko (gasera pa kase gamit namin), hahaha kaloka!

Mga kudeta... na nagtago daw si President Cory sa ilalim ng kama sabi ng kolumnistang si Louie Beltran.

Ang ang walang kamatayang Laban Sign....nakakalungkot lang ngayun ang meaning na ng Laban sign eh "You're such a loser" hehehe

Pag nakakakita ako ng color YELLOW....ang unang pumapasok sa isip ko si President Cory at pag Color RED ay si Marcos

Kabisado ko ang mga kanta ng "Magkaisa" "Bayan Ko" at "Handog ng Pilipino sa Mundo" kahit di ko pa alam ang significance at meaning ng kinakanta ko.... basta makakakanta lang ang Gelai...

Ngayun ko lang naintindihan na kaya kami nakakapamasyal sa Luneta na hindi nagmamadali kahit gabihin kami sa kalsada di kami mababagansya ....hayyyyzzzz sarap! dahil sa isang taong nagbigay sa atin ng karapatan na mamuhay ng may kalayaan. Naipapahayag na ang ating saloobin bilang Pilipino at di na napagkakaitan kalayaan mabuhay ng mapayapa. Pero sana wag natin itong abusuhin...

Aaaminin ko, ngayun ko lang nalaman at naintindihan ang kahalagahan at diwa ng EDSA Revolution di lamang pala basta YELLOW na kulay,..where yellow is a symbol of oneness, unity and hope. At ang mga awitin na ginamit nung EDSA REVOLUTION pag naririnig ko ngayon meron akong goosebumps na nararamdaman iba ang feeling...nakalikha ng makabuluhang awitin para sa ating inang bayan na uhaw sa kalayaan. Mas nakakanta ko na sya ng me kabuluhan at ang mensahe na ipinapahatid sa ating mga Pilipino (kahit sintunado). Dahil ito sa isang taong kilala ko lang bilang naging Presidente ng Pilipinas at nanay ng artistang si Kris Aquino, masasabi ko na ngayon malalim na pagkilala sa kanya...na siya ang dahilan kung bakit tayo meron tinatamasang demokrasya at malaya na sa kamay ng diktador. Isang simpleng babae na walang inisip kundi ang kapakanan ng nakakarami. At naging mas proud ako ngayon na ako'y isang Filipino, at meron pa palang taong nagmamalasakit sa bayan. Di man natin mapantayan ang kanyang kabayanihan na nagawa...sana lang lang wag natin pabayaan na mawala ito sa atin ulit....

Nawala na ang taong nagbigay sa atin ng demokrasya...Paalam Ma'am President Corazon Cojuangco-Aquino MARAMING SALAMAT po sa kalayaan na tinatamasa namin ngayon. President Cory... A truly life Well lived! Job Well done Ma'am!

"I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life.

- President Cory Aquino








This entry was posted on Friday, August 07, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"