Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option  

Posted by: Gelai

Ang taray ng Blog quote ko noh? Nakalkal ko lang yan sa mga previous notes ko, mahilig kase ako magsusulat ng mga kaekekan... di ko pinapansin dati kase parang ko pa madama anong ibig ipahiwatig ng quotation na yan, until such time na nabasa ko ulit last week na parang meron kumurot sa aking pagkatao....kaya parang napaisip ako kaya maiblog nga pero di ko nagawa agad kase busy ako sa kakagawa ng layout ng aking blog.

Last last week, habang ako'y natutulog, akoy biglang naalimpungatan na me kumatok sa pinto namin:

Kapitbahay: Ayyy sorry natutulog ka pala. Gel, may pera ka ba? Pede makahiram?...kase... blah blah blah

Ewan ko na yung iba kase di ko na narinig yung ibang sinabi, di ko alam kung naalimpungatan ako or narinig ko na lang nanghihiram ng pera bigla na lang ata nag shut off yung tenga ko hahahaha

Gelai: Ay sige te... wait lang kuha ako

Umuo agad ako akala ko kase mga 100 lang uutangin or 200. Check ko yung wallet ko, after 5 seconds labas ulit ako....

Gelai: Ate, magkano yung hiramin mo?

Kabitbahay: 1 thousand sana Gel, blah, blah, blah..

Lalo ako nabingi hahaha kase yung laman ng wallet ko 300 pesos na lang . Napasubo ako dun ah... Nahiya naman na akong tumanggi kase napa UU na ako....

Gelai: Ay ate, maya ko na lang bigay kase withdraw muna ako... (kahit sobra init at pupungas pungas pa ako lumabas ako para mag withdraw para ipahiram kay Ate)

Moral lesson: Wag buksan ang pinto pag ang tipo ng katok ay malumanay at katok naparang nahihiya...bwahahaha

Hirap talaga ako sa pagtanggi.....yun talaga ang weakness ko lagi ko priority ang ibang tao kesa sa sarili ko...ayun nga ang resulta madalas napapahamak ako.

Halimbawa na lang dun sa Ex ko, sa sobrang pagmamahal ko parang sa kanya na lang umiinog ang aking mundo, actually hindi "parang" sa kanya na talaga umiinog yung buhay ko....yun pala option nya lang ako kase meron pa siyang ibang girl.... how sad? Mahal ko siya, pero mahal nya ba ako???

Sa pamilya, bigay dito bigay duon! nakalimutan ko na meron pala akong sariling buhay na kelangan ko rin pag tuunan ng pansin... na dati kahit gusto ko na bumuo ng sarili kong pamilya di ko magawa kase meron pa akong obligasyon sa kapatid ko na kelangan tuparin... na mapagtapos cya at ang mabigyan ko siya ng magandang kinabukasan pero siya ba naiisip nya ba ang kinabukasan ko???

Sa kaibigan, kaya ko ipagtanggol sa abot ng aking makakaya...handa ako makipagpatayan para sa kaibigan, pero kaya nya ba gawin yun para sa akin?


Get my point? Dito sa mother earth dapat give and take, hindi lang puro kaw lang give ng give tapos cya take ng take, ano cya hilo? Minsan ginawan mo na ng pabor ni magpasalamat man lang wala ka man lang maririnig. Or pag wala na mahita sayo or hindi ka na nya napapakinabangan para ka na lang isang basahan sa kanyang paningin. Pero minsan dapat ito na ang panuntunan ko sa buhay, i can't help it, nadadala pa rin ako ng aking emosyon, ewan ko ba pinanganak na ata akong ganito.... pero i look it on a brighter side na lang mas mabuti na yung nilalamangan ka ng kapwa kesa naman ako yung nanlalamang... ang KARMA ... Halerrrrrr!








This entry was posted on Monday, April 27, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

nice page..
wow ms gel, naka relate talaga ako sa blog mo, "Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option" MOre blogs...

hi marvs! kapressure magsulat ng blog hahaha...kelangan mas bongga sa previous blog ko ahihihi...thanks marvs...keep reading!

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"