Halo Halo Trip  

Posted by: Gelai


Summer na! Grabe init ngayun parang impyerno (parang nakapunta na ako sa impyerno ah hehehe) ... parang kaliligo pa lang pinagpapawisan na ako, sa gabi 2 hours lang yung tulog ko, di ako makatulog sa sobrang init...hayyyyz kaya muka na akong panda sa lalim ng eyebags ko...huhuhu, kaya gusto ko dito sa opis kase bongga ang aircon, para kaming nasa isang malaking freezer kung pwede lang dito na ako tumira ... dito na lang muna ako maninirahan pansamantagal...

At para mafeel namin na summer at ang init sa labas, after namin mag lunch napagtripan namin magpadeliver ng halo halo from Chowking... dahil kami ang pinanganak na PANAY GUTOM yung Fiesta ang order namin at 1 scoop na ice cream, at extra ice, sugar at gatas. P79.00 +P15.00 para sa ice cream+ 10% delivery charge, P103.40 ata ang isang Halo halo Fiesta? Mahal? Di bale minsan lang naman! Hmmmmm, sarap! excited na ako kumain. At last after 45 minutes dumating na si Delivery boy ng Chowking. Kanya kanyang kuha....kanyang kanya lagay ng extra milk at extra ice, hala! kain, subo! parang wala ng bukas.... hehehe. Napansin ko si Sui maya maya ang masiglang pagkain ng halo halo parang unti unti bumabagal at ang ang mga daliri kulay violet na... napansin ko yung kamay nya nanginginig sabi ko "Ayy! si Sui parang meron Alzheimers disease" walang nag react man lang hmp!? kaya pala wala maka gets ang dapat pala "Parkinson's disease" hahahaha.( pareho lang yun basta meron disease) Inatake ng Hypothermia, as i've said sobra lamig dito sa office parangisang malaking freezer tapos kumain pa kami ng halo halo....brain freezing talaga! Si Che iba naman ang trip ang halo halo partner eh shomai??? San ka nakakita ng ganun! Adik ka ba Che? Alok ka pa ha, eh walang kumukuha, naghahanap ng karamay bwahahahaha. Si Tanjo at Jeff nauto ni Che, naghati sa isang siomai, katawa talaga! At ako pinanindigan ko ang aking pagiging taong panda... kayang kaya ang lamig! at naubos ang napakalaking BASO, hayyyyyz! Panay Gutom talaga! (Dighay!)






This entry was posted on Thursday, April 16, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

2 comments

sus if i know nainggit kayo sa order ko na petite lang at siomai hahahah hay naku pinilit nyong ubusin yung halo halo na un napakatakaw hahahaha nanghihinayang lang kayo sa 103 kaya inubos nyo hahahaa,,,, uu nakita ko ung kuko ni sui parang pinukpok ng martilyo hahaha pero hala kain pa rin ma feel lang ang summer ang ending nito ang pa plastic nyo shet.....

mahal na nga ng halo-halo...pero ok lang pag minsan...hehehe trip tyo ulet!

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"