My Hubby  

Posted by: Gelai

Pag gising ko kaninang umaga, wala na naman ang asawa ko sa tabi ko.... pang gabi na naman kasi s'ya (10PM -6AM) 2 weeks na naman syang pang gabi, 2 weeks na naman ganun ang routine namin. 1 hour lang kami magkikita tapos ako papasok na sa office gabi na naman kami magkikita. Hayyyyzz. Ang hirap kaya ng pang gabi naranasan ko na yan, naalala ko nung sa Conversia (part-time work). Pagkalabas namin dito sa office ng 5PM punta kami sa kabilang office para pasukan namin 6-10pm monday to thursday, then friday from 6pm to 7am kinabukasan... ganun kami tag hapit dati hehehe lahat ng raket pinapasukan. Minsan sa sobrang antok ko, sasabihin ko sa kasamahan ko idlip lang ako ng 15 minutes 2 hours na pala ako nakatulog hahahaha, kakahiya! :-(

Back to my beloved husband, 2 weeks ko mamimiss yung pag gising nya sa akin sa umaga, siya rin ang nag prepare ng baon ko, siya yung ng prepare ng breakfast, maliligo na lang ako... tapos papasok na. pero kanina pagdating nya from work kahit puyat sya niprepare nya pa rin yung baon ko. Sobra bait talaga asawa ko...

Naalala ko minsan inabot ako ng tiwang sa ulo... last week nasungitan ko siya! dahil lang sa hanger... at take note ako pa ang me ganang hindi siya pansinin... aware ako na kasalanan ko pero ewan ko ba na dahil sa kamalditahan ko at ang aking pesteng pride di ko talaga siya kinikibo... siya talaga ang yumakap sa akin at nag sorry... naiyak tuloy ako, baket sya nag sorry sa akin ako naman ang meron problema??? ...Sobra bait lang talaga ng asawa ko

Mabait sa magulang ko, last week din dumalaw kami sa parents ko, sabi nya bibigyan nya daw pera ang mama ko, nakita ko 1 thousand ang ibibigay, sabi ko 500 lang sobra sobra na yun, binigay nya pa rin yung 1 thousand makita kita ko yung wallet nya wala na rin laman... sobra bait ng asawa ko, he shares.

Sobrang lambing, i feel like a princess pag kasama ko siya, i feel very loved, maalaga, masarap magluto, mapagmahal, maalalahanin, funny, not boring to be with, at mabenta ang mga jokes ko sa kanya kahit korni natatawa siya, we can talk anything and everything under the sun. At madami pa ako nadidiscover na magagandang ugali as the days goes by... pero syempre hindi naman siya perfect meron din siyang mga flaws... at kasama yun sa minahal ko sa kanya

Sabi nila mahirap daw ang buhay may asawa, sa tingin ko naman depende sa asawa... kung asawa mo katulad ng asawa ko meron ka pa bang hihilingin? I'm proud and thankful i married someone who loves me more than i expected. Sabi ko nga minsan sa sarili ko napakaswerte ko at nakatagpo ako ng lalaki katulad ni Obet. Hindi ko man lang malampasan ang love na binibigay nya sa akin...mapantayan ko man lang! Kahit muntikan na ako iwanan sa byahe bago mag asawa, it's worth the waiting, i found the RIGHT MAN & MY BEST FRIEND. He is the man who picked up the broken glass that's why I'm whole again! Contented at HAPPY!







This entry was posted on Wednesday, January 28, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"