First Hearing  

Posted by: Gelai

I was absent yesterday sa work, umatend kase ako ng first hearing para sa isinampa kong case para kay Danny Rodriguez last 2004 illegal recruitment sa Ombudsman office sa Manila City Hall, Room 36 under Judge Emmanuela Young...

8:30am Dumating ako sa court room, hinanap ko sa me labas ng yung list kung anong case number namin, at nakita ko pang number 7 kami under criminal case... hintay lang kami muna sa labas ng papa ko...maya maya sabi ni papa mag CR muna daw siya, tapos meron din pumasok kulay dilaw na t-shirt siguro mga 10 sila, "huh? uso ba ngayun ang dilaw? wala pang 10 seconds lumabas ung papa ko," sabi ko baket ang bilis niya?" sabi nya pumasok daw yung mga bilanggo..natakot si padir??? mga detainee pala yun di ko napansin na meron pala nakasulat sa t-shirt nila na kulay dilaw na "DETAINEE". Isa isa ng lumabas yung mga detainee sa CR, nakita ko 6 na pares na nakaposas at isa dun si Danny... nagkatinginan kami pero bigla ako umiwas kase meron akong konting awa na naramdaman.... at nakaramdam na rin ako ng sakit sa tiyan ko

9:00am Bandang likuran ako ng court room wala na kase akong maupuan, sa kagustuhan kong makita ang Judge kaka usog ko di ko namalayan na napunta ako dun malapit sa mga upuan malapit kung saan andun ang mga detainee. Nyeeeee! Bigla ko naisip sa mga napapanuod ko sa movie, na baka akong yakapin at i hostage ng mga ito??? Pero naisip ko naman nakaposas naman ito kaya malabo mangyari

So nag simula na ang basahin ang mga reklamo laban sa mga akusado, meron kasong pagnanakaw o robbery, estafa, large scale estafa etc... yung naabutan kong binabasahan ay isang matanda na nakatayo na inaakusahan ng pagnanakaw habang binabasahan ang akusado meron tumunog na cellphone ...

Judge: ikaw naka pink akina ang cellphone mo...

Nakapink: ako po?

Jugde: oo ikaw, akina ung cellphone mo, kanina pa yan tunog ng tunog...

Nakapink: hindi po akin yun...

Tao sa court room: Eto po sa kanya yun (tinuro ang isang babae, na nakaputi).

Napahiya konti si Judge, di porket Judge ka, pede ka na mag husga hehehehe mali pala yung taong tinuro nya hahaha, kaloka

Judge: (Babaeng nakaputi) "Akin na ang cellphone mo, lagay mo dito"

Ayaw ibigay nung babae, 3 times na sinabihan ng judge na ilagay sa table nya yung cellphone, pero ayaw pa rin ibigay ng babe.

Judge: Ano ilalagay mo ba dito ang cellphone mo o ipapahuli kita diyan?

Ang tarush ni Judge hehehe, wala nagawa yun babae kundi ilagay ang cellphone nya dun sa mesa ng Judge... (Ate naman kase, nakalagay na nga sa labas na "Please turn off your cellphone before you enter the courtroom")

Judge: Please resume...

Court Clerk:..... Mr. Rob Robinhood (di tunay na pangalan) Guilty or Not Guilty sa mga inaakusa sa yo...

Matandang akusado: ...he plead with not guilty ( ganun pala yun?)

Next tinawag na si Danny... binasahan na sya ng mga kasong isinampa namin sa kanya...mga 30 mins siguro siya binasahan kase 3 kami ng sampa ng kaso, (yung dalawa kong kasama di sumipot) me naririnig na nga ako na side comments na "Ang dami naman kaso nyan" after 30 minutes sa wakas a ng he plead with "Not Guilty" (of course, wala naman umaamin na criminal eh)

Judge: Andito ba ang complainant?

Taas ako ng kamay, at pinapunta ako sa harapan...

Judge: Ikaw ba ang complainant? Willing ka ba makipag settle kung saka sakali?

Gelai: Opo, basta ibigay nya lang ung pera na nakuha nya sa akin...

Judge: Magkano?

Gelai: 120,000 pesos po

Judge: 120,000 pesos daw, kaya mo ba ibigay yun?

Danny: Opo

Judge: Kelan, baka abutin ng 1 year naman ...

Danny: After 1 month po...

Judge: After 1 month daw, December 1, 2008 ang next hearing natin, bumalik ka dito Marigel para maayos na natin ito

Gelai: Ok po..

After nun meron pinapirmahan sa akin, ewan ko kung anong pinirmahan ko di ko na kase binasa ang gwapo kase nung Attorney na nagpapirma sa akin eh hehehe, (me gana pa akong kumarengkeng?) basta ang natandaan ko na lang na meron akong hearing ulit sa December 1 , yun lang.... tapos meron tumapik sa likod ko at nagpapasalamat... si Danny! Pero di ko pinansin ayaw ko siyang tingnan kase meron tendency na maawa ako sa kanya na di dapat. Na ako ang dahilan ng ng miserable nyang buhay ngayon...

After nun lumabas na ako, parang wala na akong nakikita, masaya ako na parang hindi, masaya ako at long last nabigyan na ng katarungan ang ginawa nyang pangloloko sa akin , hindi ako masaya kase meron taong miserable ang buhay dahil sa paghahanap ko ng katarungan, di ko nga alam pano ako nakalabas sa court room, masakit ang tiyan ko na ewan.... hayyyy inaaatake ako ng nerbiyos , parang napupupu ako ng di ko malaman....

Ganito pala ang feeling ng nasa court room, first time ko umattend ng ganito tensed talaga ang Gelai imbis na papasok pa ako kahapon sa work, di na kase sakit talaga ng tiyan ko saksi ang CR sa Metropoint sa Pasay hehehe

This entry was posted on Tuesday, October 28, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"