old friends are the best for relaxing  

Posted by: Gelai


Sobra saya kanina nagkita kita kami ng aking dabarkads. 2PM ang usapan namin at National Bookstore Ayala Technohub  me and Wella arrived at 2:30PM. And  the birthday girl Wawie super duper late lakarin ba naman ang Philcoa hanggang Technohub sa ilalim ng sikat at tirik na araw? hehehe.  At partida pa ha..di pa kami nakakapag decide kung san kami mag stay or kakain wala  humpay ang aming chikahan...parang wala ng bukas. Sobrang miss na talaga ang isa't isa

Finally, we decided to stay in Starbucks... sheeet! chika ever ang mga hitad!  halos di na namin malaman kung sino ang nagtatanong at tinatanong lahat bida! hahaha Facebook, High School life,  Lovelife, Work, Motherhood, mga plans sa alumni homecoming etc... unang tanong pagkaupo na pagkaupo "Baket pang gabi ka Wawie?"sumunod na tanong " Patay na ba si ano? " " weh di nga??? sagot nman ang isa "di pa ah" di pa ba? sabay knock on the wood ang Wella pero metal ang mesa na kinatukan nya hahahha kaloka!(me makatukan lang at kelangan pa ba talagang mag knock?)at itong classic na tanong ni Wella: "Baket ba ako tinaguriang Agua?" sagot ko: "Tigas kase ng buhok mo eh" ....mga ganun tanong? Di ba ang lalalim ng question namin? hahaha. Patok sa amin ang mga walang kwentang tanong at walang kwentang kasagutan...at kapalit ay sandamukal na tawanan....

Etong Wella  kamot ng kamot sa ilong ewan ba namin kung anong dumapo  sa ilong nya...punahin ba nman ni Allyn" kulangot ka naman ng kulangot na distruct ako" ampotahhh...bastusan na kung bastusan... 

At ang Wawie nagrereklamo kesyo  malaki na daw yung tyan nya mataba na daw sya....putsa kung malaki ang tyan nya ano pa yung sa akin? mala tiya pusit ganun???? at kung mataba sya ano na si wella OBESE?? bwahahaha

May mga kaklase kaming binabanggit tapos na di na matandaan ang mga itsura magtatanong naman ang  Starry "Sino yun di ko kilala?"  sagot naman ung si Allyn "Gagi ka di mo natatandaan yung maliit na maitim!"  nanlait ka na nga Allyn pero mali naman sagot mo hahahaha....at saka isa lang ba maliit at maitim sa campus, ganun???? 

Ang mga ganung walang kwentang usapan nagtagal un ng mga 4 na oras... hay salamat kakain na naman punta kami Yellow Cab...ang pagkain ika nga ni Wella "The Last Supper"  dami pagkain, super busog. "Wella wag ka naman ganyan" ang wella knock on the wood na naman ang hitad! At gumagala ang mga mata me nakitang dalawang  matanda  sabay sabi "pag di pa nag asawa itong si Allyn at Starry ganyan ang mangyayari sa kanila" sabay turo sa 2 mukang matandang dalaga at yung kasama nila isang matandang lalaki si wella humirit ulit "ayyy kasama pa nila si Arnel" hagalpakan na naman kami ng tawa...hanep si Wella simple bumanat.

In  6 hours laughters and conversation, i could say there was no dull moments not a single iota....sarap talaga ng kwentuhan, laiitan, kainan at balikan ang  nakaraan. And we decided to go home at around 9PM we took a cab at alam mo ang music sa taxi  THROUGH THE YEARS...ahhhhhh (with matching tears hehehe) 

In this modern age when everyone is always "busy", old friends are the best for relaxing; and nothing is more comfortable than an old friend

Our friendship has gone this far…………it will last forever!!!






This entry was posted on Sunday, August 29, 2010 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"