Tagal ko na rin di nabisita ang blog ko ah...as usual busy busyhan ang Gelai sa work, na adik Friendster, sa Twitter, tapos ngayun adik na adik sa Facebook.
Actually ngayun ko lang naappreciate ang FB dati ung FB account ko wlang kwenta basta masabi lang na meron akong facebook hehe...nagkaron ako ng account mga 2007 pero di ko masyado navivisit. Kaya ngayun humanda ka FB ka career kung career... farmville, cafe world etc... kaso di ko na nalalaro kase ang PC ko de uling puro virus na ata...
Nakakatuwa at nakaka amaze talaga biruin mo classmate ko nung Grade 2 nahanap ko pa (dalawa pa lang nahahanap ko) yung iba di ko na matandaan ung name nila eh. Si Divina at Jesus pa lang. Sa high school medyo marami na medyo tanda ko pa name nila kaya madali lang...mga teacher ko nung high school, naks! si ma'am Fullero at si Sir Ader biruin meron na rin silang FB hahaha...wow! dati DOS lang gamit natin noh? Ngayun high-tech na sila ma'am at sir.
At isa pang nahanap ko, ang lalaking minahal at nanloko sa akin, hehe (bitter?). Natawa naman ako tanong niya agad sa akin pano ko daw nalaman ung nakuha ung account nya...Halerrrrr! Mister Papable ang mga nagtatago ngayun ( tulad mo!) madali na lang mahanap. Alam mo ba na noon pa kita hinhunting pati manghuhula sa Quiapo pinatulan ko na para malaman ko kung buhay ka pa hehehe (joke! OA na yun). In fairness, nagkausap na kami, pinag usapan ang mga tanong ko dati na walang sagot, kumustahan, sumbatan, paliwanagan at ang mga buhay buhay namin...at ngayun alam ko na buhay pa pala siya at meron ng asawa....waahhhhh! Di na naman ako sa naghahabol at meron na rin akong bagong pamilya na tunay na nagmamahal sa akin...at isa pa GWAPO!
All's well that ends well....nang dahil sa facebook nakita ko ang mga kaklase, kaibigan, dating katrabaho titser...kung anong na ang kanilang mukha ngayun... meron ganun pa rin di nagbago baby face pa rin, meron di ko na masyado makikilala sa sobrang nag-iba at pinaglipasan na ng panahon. Nang dahil sa facebook ang mga magkaibigan at barkada di na nagkikita-kita pinaglalapit, ang mga malalayo pinagtatagpo, ang magkagalit nagkakasundo. Nang dahil sa facebook ang mga dalaga nagiging dalagang ina...ang binata meron na rin papa hehe. Marami nagagawa ng facebook sana wag lang natin gamitin sa masama. Gamitin natin ito sa tama....
TAMA???
This entry was posted
on Thursday, June 24, 2010
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.





