Kanina super ihing ihi na ako di ko na mapigilan, meron kaseng tao sa girls comform room na pagkatagal tagal lumabas...hayyyyzzzzz! Anong petsa na? Kaya i decided gamitin yung men's comform room dito sa office...hehehe. After ko magwiwi... bukas ko ung pinto tiningnan ko muna ang kapaligiran kung meron tao at nagmamadali ako lumabas baka me makakita sa akin sabihin meron akong ginawang kakabalaghan o baka isipin nila lalaki ako sa katawan ng babae bwahahaha... wrong move!
Malapit na election sana pumili tayo ng magiging mamumuno natin sa tingin natin ay karapat dapat, sabi nga sa nabasa kong article: one of the best explanations i've heard if you're having trouble choosing your candidate. "Wala naman talagang perpektong binoboto e. Meron lang perpektong boto - yung botong pinag-aralan, pinag-isipan, at handang panindigan sa loob ng 6 na taon. Kung hindi pa buo ang loob mo, ibig sabihin kulang pa ang ginugugol mong panahon upang pagtibayin ang iyong kaalaman at paninindigan. Sa loob ng 5 buwan, imposibleng maging perpekto ang isang kandidato. Pero sa loob din ng 5 buwan, kaya mong kumbinsihin ang sarili mo kung sino ang mas karapat-dapat na iluklok sa pwesto. Sino ba ang dapat?" Ang pagboboto ay parang larong chess, pag na wrong move ka pede mo nating ikatalo. kaya vote wisely!
Pero as i've said in my previous entry. Hindi pwede sa iisang tao lang o sa presidente na lang natin iasa ang ating kinabukasan. Maraming kumakandidato ngayun na sasabihin "I will take care of you and bring you out of your misery." "...Iaahon ko kayo sa kahirapan!" " Walang kama-kamag anak sa aking panunungkulan" Kaplastikan yun...wag tayo magpapadala sa matatamis na salita. Maging mature na tayo sa pagpili ng magiging lider ng ating bansa, wag umasa sa matatamis na pangako, wag matangay sa mga iniendorso ng mga artista. Matuto na tayo sa ating nakaraan... ito na naman ang panahon na mabago natin ang ating kinabukasan sa pamamagitan ng ating isang boto. We need a leader who can bring back trust in the government. We need to have some trust back in our leaders. We need a leader that we can make our nation as ONE. This is not ONE man doing it alone.
Sabi nga ni John F. Kennedy. ASK NOT WHAT THE COUNTRY CAN DO FOR YOU, ASK WHAT YOU CAN DO FOR YOUR COUNTRY !
This entry was posted
on Thursday, February 11, 2010
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.





