ULTRASOUND  

Posted by: Gelai

Another year has ended,  and hello 2010...  2009 was a great year for me, although maraming New Year Resolution na di na naman natupad pero at least i'm not stop trying to achieve my goal, fight for what i believed in and most important never loose hope.


Marami akong dapat ipagpasalamat , nasabi ko nga kanina na 2009 was a great year, di man nabigay yung hiniling ko na sana magkababy na ako pero ok lang, di pa siguro ang tamang oras, "IN GOD's TIME"  ika nga... di rin ko rin natupad yung magpapayat hehehe (hayyzzz ang hirap). Magsimba ng regular every sunday....


Pero di na mahalaga ang di nangyari last year, ang mahalaga ang ngayun at ang paghandaan ang bukas...kahit ilang ulit balikan at kahit magmukmok ka maghapon at sisihin ang sarili. di mo na mababalikan ang mga nakaraan. Ang maganda mag look forward ka na magagawa mo ang gusto mong ma achieve sa iyong career, personal, lovelife at sa pamilya. Di naman ibig sabihin pag natapos na ang taon, matatapos na rin ung mga pangarap at goal natin sa buhay.

To start my New Year... since gusto ko magkababy na nagpacheck up na ako sa OB-Gyne and had Ultrasound (Trans-vaginal). First time ko ito kaya meron konting nerbyos biruin mo meron ibang tao makakakita ng aking MARIA waaahhhhhhh! at take note 2 times ako nag  TransV una ung babae yung Sonographer. Grabe hirap na hirap sya hanapin yung matris (UTERUS) ko  siguro mga 30 mins na di pa rin makita, at ngawit na ngawit na ako...sabi nya "Grabe ang hirap makita yung matris mo" sumagot naman ako "baka wala akong matris hehe" "Di naman, pano wala kang matris eh babae ka"....Toink! Patulan daw ba ako???? Hmp!

Then pinabalik ako kinabukasan kase di nga daw maayos yung ginawa sa aking ultrasound, expected ko babae  pa rin yung sonographer.... nung nakita ko mala HAYDEN KHO...sheeeeeet ang gwapo..."Siya ang mag Ultrasound sa akin" oh noooooo!  Feeling ko ako si Katrina Halili hahahaha...."Misis higa na kau" sabi ng nurse... "maghuhubad  pa ako???"  (natural gelai pano ka ultrasound kung nakapantalon akol! First time ko??? hehehe)   Parang wala kase ako sa sarili na lalaki ung maguultrasound sa akin, na parang nababasa ng nurse ang nasa aking isip, "Sige misis, samahan ko kau" sa loob loob ko lang . "Walang hiya ka Berto  (asawa ko) ka di mo ako sinamahan" at sumagot ang aking konsyencya " pano ka sasamahan eh nasa trabaho"  wala akong magawa kundi humiga at bumukaka na naman sa harap ng gwapong sonologist...

Ayan na ipapasok na ung aparato na pang utrasound, di ko maintindihan yung nararamdaman ko na hiya, nerbiyos, kaba lahat lahat na ng feelings nasa akin nung time na yun. "Baket wala akong makita" sabi ng doktor na gwaping, "Dok, di pa  po nakapasok" waaaahhhhh dyahe! ano ba yung nasabi ko????  kase ba naman pilit nya pinapasok yung aparato di naman un ang pwerta ko. hmp! sakit tuloy! wala lang 10 mins tapos na kami, then based sa findings na polycystic nga ako o PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome). Kaya pala hirap akong magbuntis at irregular ang aking menstruation.

Matagal na rin kase akong sinasabihan na magpacheck up, pero matigas ang ulo ko puro next week, next month...hanggang sa tumagal...kaya ito pala yun. Ito ang dahilan na nahirapan akong magbuntis.... kung di ko pinairal ang aking tigas ng ulo at "MAMAYA na habit" e di sana nagamot na ako at sana meron na akong baby ngayun...

For this year, kelangan ko mag nilaynilay at "ultrasound" ang aking sarili, mapa personal, spiritual , social etc.  Ang simpleng katigasan ng ulo malaki rin ang epekto sa pagkatao.  Kaya habang pede pang i-prevent ang para di na maging habit ang katigasan ng ulo . Me kasabihan nga "Prevention is better than cure" ....I'll try to make a change... change that make things happen.... and change that should start within me.









This entry was posted on Friday, January 15, 2010 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"