When Foreigner Attacks...  

Posted by: Gelai

"How many times i'll tell you....blah...blah...blah...."

Yan na lang narinig ko sa isang foreigner na pinagagalitan ang cashier ng 7-11 kahapon ng magmeryenda kami ni Sui at Che. Tininingnan ko ung cashier parang maluha luha, naawa talaga ako. Sabay tingin ko sa foreigner na dakdak pa rin ng dakdak, na kung halos umapoy cya sa titig ko sa inis sa kanya....

Halerrrr! Mr. Foreigner nasa bansa ka kaya namin, kapal ng muka mo, tingin mo sa mga Filipino alipin? Wag mo sabihin na customer ka? Mabuti na lang di ako ang cashier ng 7-11 talagang sasagutin ko cya kahit iyon pa ang mitsa ng aking pagkatanggal ko sa trabaho, wag lang ako hahamakin ang aking pagkatao at pagka Filipino...tapos isang foreigner lang? Bitaw! At kung ito ang dahilan ng pagka nose bleed ko kaka english! Hmp.

Naalala ko tuloy yung Canadian boyfriend ng bestfriend ko si Belen one time pumunta sya dito sa Manila para magkita sila for the 2nd time, pero ilang beses na sya pabalik balik dito as Tourist. Dumalaw sila sa bahay, dinala nya yung Canadian na yun... daming reklamo kesyo mainit, malayo daw yung bahay namin (Kaloocan), madumi daw ang Pilipinas...daming basura na nakakalat. Medyo natatawa pa ako sa mga sinasabi nya...pero nung nagtagal tagal... di na ako na tutuwa....since bisita asikaso pa rin namin siya kahit imbyerna na ako sa kanya...

Kesyo tayong mga Filipina daw nag aasawa ng foreigner para umahon sa buhay....Laging kinu compare ang Pilipinas at Canada...na kesyo sa Canada walang wala ang Pilipinas when it comes to economy, technology, discipline,...at kung anu ano pa ang sinasabi na di na makain ng tao... at nasasaktan ako bilang Filipino.

Dinner time: Hinandaan siya ng Papa ko ng inihaw na isda, vegetable salad, etc. So kainan na itong papa ko since wala na maupuan tumayo na lang sya...

"Why you Filipinos you're eating with your bare hands, it's a no, no. in Canada?" sita nya sa Papa ko

"Because i used to eat using my bare hand since birth.... because i don't know how to use spoon and fork hahaha" papa said

Sitahin daw ba ang papa ko? Eh bahay nya yun? Kaloka!

After dinner, nagpabili sya ng 10 bottles ng San Miguel, cyempre umiinom din ako...so nung parang tinamaan na ako sabi ko sa sarili ko mag comment pa sya ng di maganda talagang tatablahin ko siya. At di nga ako nagkamali.... ayan na naman, kinucompare na naman niya yung Canada sa Pilipinas... medyo malakas na ang loob ko ang natatandaan ko sinabi:

"Marcel, stop comparing Philippines from your country, we already know that your country is more developed than Philippines, high technology, but i don't think you're more disciplined. You are here in our country so please stop criticizing, over and over... I'll ask you Marcel, why you keep on going back here in the Philippines, if you don't like the smell, the weather, the people? Why? I don't think , you spend a thousand dollars to get here just to criticize, there's more reasons why your here, isn't it? (sabay tingin sa friend ko) Just enjoy and see the good things about our country like Sagada (nag eenjoy kase sya dun, lagi pumupunta) Stop na ok? or else, just stay in your beloved country. (Nose Bleed! hehehe)

Nag-sorry ang lolo mo sa akin... oh di ba? Sino pa ba magtatanggol ng ating pagka Filipino kundi tayo rin. Wag natin pabayaan na mababa ang tingin nila sa atin, kase kung magpatuloy pa ito tayo rin ang kawawa... di na kelangan ng Jose Rizal, Ninoy Aquino, Mabini etc. para mapagtanggol ang ating bansang Pilipinas. Sa atin munting paraan Kaya rin Natin maging bayani...





This entry was posted on Saturday, September 12, 2009 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"