Malapit na naman magpasukan suregadong trapik na naman yan...kelangan na naman gumising ng maaga para makaalis ng maaga kase pag tanghali na ako na umalis sa amin...sure na late lagi ako makarating dito sa office lalo na ngayon napalayo na ang office namin haba ng lalakarin ko ...syeetttt!
Nakakamiss din pumasok sa school, sarap ng buhay estudyante, pasok, laro, aral lang ang iniintindi ko noon. Gawa ng assignment tapos laro ulit... sa totoo lang di ko masyado kina career ang pag aaral pero lagi ako section 1 at nakakakuha pa ako ng honor nun...madalas ay first honor ako nun at best in Math...(yabang ni Gelai!) hahaha isipin mo gano kabobobo ang mga kaklase ko??? Wag kayong masyadong mabilib sa aking guys, dalawa lang lang naman section nun eh at tig 3 sa isang kwarto hahaha
Malapit na ang pasukan, excited na ako pumasok dahil sa bagong gamit ko sa school, panay bukas ng bag, oras oras! sabay amoy ng mga notebook kase ang babango nila, yung mga crayola ko di ko ginagamit ung patulis na bahagi ng color para ipangkulay kase ayaw ko maupod panget na siya tingnan pag pudpod di ba? At mga cover ng note book ko nun kundi bulaklak eh artista, naalala ko nun meron pa ako cover si Rustom Padilla, iieewwww! BB Gandanghari na siya ngayon. Kaloka!
Tapos favorite ako ng adviser ko si Ma'am Jolo at Math teacher ko si Sir Sacopon, ako ang ginagawang lider at ilista ang mga kaklase ako nag iingay pag wala sila, di nila alam na ako ako ang number 1 na maingay sa klase, kase chikadora ako nuon sobra.... Si Sir Sacopon music teacher din namin, one time pinakanta kami isa isa at pinabigkas sa amin ung DO Re Mi, tapos nagtaka ako na di ako kasama sa grupo ng kakanta sa Foundation day namin.... nagtaka ako, ask ko si Sir Sacopon baket di ako kasama sa kakanta? ....sabi nya sa Math contest daw nya ako sasali hahahaha
Naalala ko nung elementary pa ako, sinusundo pa ako ng pinsan ko sa bahay namin para meron lang ako kasabay sa pagpasok, to think na napakalayo ng bahay nila sa amin. Tapos mga 2 kilometers ang lalakarin namin papunta sa school, sobra layo! Yung baon ko para sa recess ubos na kase habang naglalakad kami kinakain ko na ung baon ko, hahahaha. At uso pa yung lunchbox nun na napakalaki, ang baon ko nun gatas at tinapay. piso, pambili ko ng potpot. Kaya lagi kaming huli sa flag ceremony, bilang parusa, kakanta ako mag isa sa stage ng Lupang Hinirang at Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat. Para akong siraulo mag isa lang ako sa stage huhuhu
*Potpot - ito yung cheese curls na binalot balot sa plastic ng yelo na dati singkwenta lang yun. O kaya pag meron nag iinuman sa amin, nag aagawan kami ng kapatid ko sa bote ng gin or lapad, para pag meron magbobote ipapalit namin na cheese curls...yun ang potpot.
Tapos ang hilig ko nun after school maglalaro kami ng chinese garter ng mga kaklase ko, lagi ako pinapagalitan ng mama ko kase gabi na ako umuuwi tapos ang dumi dumi ng uniform ko , sobra adik ko sa larong yun...biruin mo ang last ko nun eh dalawang dangkal magmula sa ulo...hahaha lahat ng madaanan ko tsina chinese ko ...one time meron naglalaro ng telebird telebird (jumping rope yun) sa quadrangle ng school , pati yun chinese ko....Blagggggg! uhmmm! Loko! ayun umuwi ako ng duguan at bangas bangas ang muka hahahaha....wala kase ako patawad pati lubid pinapatulan.... take note: honor student ako ha, di ko naisip na pag chinese ko ung lubid eh mababangasan ako. Kaya nyo yun???
Nung estudyante ako, gusto ko na lumaki at mag trabaho kase gusto ko na kumita ng pera. Ngayun naman nagkatrabaho na ako gusto ko maging estudyante elementarya muli... pero hanggang pagbabalik tanaw na lang ako. Kaya namnamin ang bawat sandali ng pagiging bata at pagiging estuyante tulad ko naenjoy ko siya ng bongga at meron akong bababalik balikan na memories maibabahagi mula sa aking kamusmusan...at aking pagiging minsan ako'y naging bata!

This entry was posted
on Thursday, May 21, 2009
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.

lang ya ka gel naiyak ako sa katatawa hahahah,....smells family hahahahha
nakaka miss nga ang buhay estudyante...