Laarni  

Posted by: Gelai

I watched Pinoy Dream Academy last night one of the contestant there is Laarni, she's always self pity and no confidence to herself. Minsan nakakainis na siya kase lagi na lang syang umaatungal, yes the word "umaatungal", kase hindi iyak na ang ginagawa nya, para s iyang baka....hayzzzz!

She always thinks to herself she's unpretty, always looked back to her past with her father (binubugbog 'ata sya), na feeling nya lagi sya na out of place sa mga ka co-scholar nya, tamang hinala...she's so "nega"

... me nabasa ako na book na kung anong tingin mo sa sarili mo, yun ang magrereflect sa tao na magiging tingin nila sayo. For example: Iniisip or lagi mo sinasabi na panget ka, panget din ang tingin sayo ng tao kase yun ang iniimpose mong maging tingin nila sayo. Dahil ikaw na mismo ang ng dodown sa sarili o sa pagkatao mo. Love yourself, sino pa ba ang magmamahal sayo ng totoo, sarili mo lang. Have you heard "law of attraction"? Words from your mouth is very powerful, from what you've said to yourself or other people might happen or there's a possibility will going to happen. Share ko lang ito:

1. Always be positive.
- choose a nice adjective "Maganda ako". Iwasan magsabi na "Malas" . Hindi ka lang swerte hehehe; NO bad words, please (ouch!) if me konting tira sa sweldo "Share your blessings" , wag ka maghahangad ng masama sa iyong kapwa etc. Di ba me kasabihan "Garbage in, Garbage out"

2. Have a positive outlook in life.
-Kahit yung tipong malabo mangyari, there's always HOPE! And mind you mangyayari yun, hindi lang agad agad pero pasasaan ba't ang iyong minimithi will come to your way. Basta gawin mo rin yung best mo. Wag naman yung naghihintay ka na lang ng grasya ng walang ginagawa. Always dream BIG, ang sabi nga Libre ang mangarap

3. "Love and be loved"
- Love yourself before anyone else, because how can you give love if you don't have it?
- Treat or pamper yourself once in a while punta ka sa parlor, manicure, pedicure, kumain ka kung anong gusto mo. Kung anong ikakasaya mo para sa sarili mo, feel to do so!
-

4. Always pray
- I just want to share this, way back april 2005 i was scheduled for an operation with my sinus (polyps), i have no work then, our money is not enough for my operation, i decided na wag muna ituloy. 5 days before my operation my doctor called me na , i was chose as part of their medical mission in JOSE REYES HOSPITAL, he said that "... medicines, hospital bill and other miscellaneous are free so just go to the hospital on the scheduled time and be ready" all of an sudden i cried and i realized that GOD will provide. Coz he knows what we need.

5. "live and let live"
- and i think mabisa rin ung maging "walang pakialam" sa ibang tao in a sense na "live and let live" kung me kabit yung kapit bahay mo, anong paki mo di ba? as long as di yung jowa mo ang kabit nya, yung ganun! Wag intindihin yung sinasabi ng iba as long as masaya ka sa ginagawa mo at alam mong wala kang tinatapakan ok na yun. Wag ka magpapaapekto sa mga sabi sabi kasi yan ang simula ng pagbaba ng self esteem mo, pero minsan pipiliin mo rin ung pakikinggan mo di ba? kung makakabuti para sayo... iapply mo sa sarili mo, kung alam mong hindi labas mo sa kabiling tenga.

6. Past is Past
- Never looked back. especially kung panget yung napagdaanan mo sa buhay. Kase kung lagi mo iisipin yun parang nabubuhay ka na lang sa nakaraan, always move forward not backward. Kahit gawin mo di na maibabalik yung nakaraan di ba? Treat mo na lang yung past mo as yung guide, as your teacher, or inspiration. Life is to too short, enjoy lang natin ang life and be contented on what we have now. Move on...Rock on!

This entry was posted on Thursday, June 26, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

1 comments

wow...
nice na pupulutan ng aral.

Post a Comment

Think Again



"Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option"